Hindi ito testing!

Opisyal ng inilahad ng Nexplay Esports ang kanilang pagsasanib-pwersa kasama ang international esports brand EVOS para sa paparating na Season 8 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL-PH).

Nakumpirma ang mga haka-haka ng mga miron sa katatapos lang na Nexplay: Uncovered event na kinatampukan ng management, players at talents ng Nexplay.


Paano nabuo ang partership ng NXP at EVOS

Inikwento ng Nexplay Esports CEO na si Gabriel Benito na matagal na silang nakakapagusap ng CEO ng EVOS na si Ivan Yeo tungkol sa posibleng tambalan.

Dagdag niya, malaking rason ang pagkakaroon ng parehong vision ng dalawang labels para matuloy ang partnership. “Our vision is helping gamers to succeed. EVOS’ vision is making dreams a reality for a lot of gamers. Ivan an I are going the same direction”

Photo by Calvin Trilles

Patungkol sa maidudulot ng partnership sa brand, malaki ang tiwala ng NXP CEO na malaking oportunidad ito para sa team at sa MLBB eksena sa Pinas.

“Our reach has now doubled. Quadrupled. Even 10 time with our combined resources. EVOS would be a great partner to uncover, to bring great esports experience to everyone here.”

Buo pa rin ang big three

Katatampukan pa din sa preskong Nexplay EVOS bandera ang tinaguriang big three ng NXP noong nakaraang season.

Photo by Calvin Trilles

Inilahad sa Nexplay: Uncovered na sasabak muli sa MPL-PH Season 8 sina Renejay “RENEJAY” Barcarse, John “H2wo” Salonga at Tristan “Yawi” Cabrera.

Banggit ni Renejay sa OneEsports, “Sobrang saya ko nung nalaman ko na makakapartner namen ang EVOS. Motivated na motivated ako. EVOS yun eh.”

Sa kabilang banda, inamin naman ni Setsuna “AkosiDogie” Ignacio na malaki ang pressure ng pagkakakabit ng pagalan ng EVOS sa kanilang kupunan.

“Sa totoo lang, malaking pressure. Alam naman natin na isa sa malalaking pangalan internationally ang EVOS.” ani ng former head coach ng NXP.


Ang pagbabalik ng EVOS sa Pinas

Hindi na bago sa Pinoy MLBB scene ang EVOS. Noong nakaraang MPL-PH Season 3, matatandaang matunog na ang pangalan ng EVOS na umampon sa dating SxC Imbalance team.

Desenteng 4th place finish ang natamo ng dating EVOS PH team. Pagtungtong naman ng Season 4, hindi nakuha ng team ang nais nilang momentum sa Season 4 kung saan maaga silang napauwi ng Bren Esports sa Round 1.

Sa mga panahon ding yoon napagdesisyunan ng brand na magpull-out muna sa PH eksena. Ngayong dadalhin ng Nexplay pabalik sa Pinas ang bandera ng EVOS, maaasahang magiging bantog muli ang EVOS sa fans.

Gayundin, mapapasama na sa parami ng paraming EVOS partners ang NXP. Matatandaang may existing partnerships ang international esports brand sa Indonesia, Malaysia at Singapore.

Kaalinsabay ng pag-aanunsyo ng Nexplay ng kanilang partnership, ipinakilala din ng sikat na esports brand ang kanilang ibang competitive teams.

Asahang magiging mala-alamat ang paparating na MPL-PH Season 8 para sa Nexplay EVOS!