Gaganapin ang pinakamalaki at pinaka-prestihiyosong Mobile Legends: Bang Bang torneyo sa huling bahagi ng taon.

Ang M3 World Championship, ang ikatlong edisyon ng world championship competition sa MLBB ay nakatakda ng simulant ngayong Disyembre. 

Mga detalye tungkol sa M3 World Championship

Ibinalita ng Moonton na hahataw sila sa ikalawang bahagi ng 2021 kung saan mag-oorganisa sila ng samu’t-saring MLBB tournaments bago bigyang daan ang pagsisimula ng M3.

“Preparations are well underway for our flagship international tournament. M3 will be held offline in December, bringing together the best MLBB teams worldwide to compete for the top title,” sulat ng Moonton sa kanilang press release.

Gaya ng M2 World Championship, offline gaganapin ang paparating na M3 World Championship. Bulong-bulungan din sa social media na baka ganapin sa Pilipinas o Indonesia ang paparating na M3, matapos mairaos ito sa Malaysia at Singapore. 


Sinong mga teams ang sasali sa M3?

Credit: Bren Esports

Gaya ng mga nauna nang world championships, bubunutin mula sa MPL regions katulad Philippines, Malaysia, Indonesia, Singapore, Brazil, at Cambodia ang mga kupunang lalahok sa M3 World Championship.

Kasama nito, aanyayahan din ng Moonton ang mga kupunan galing sa Non-MPL regions katulad na lamang ng kupunang mananalo sa ginaganap na M3 Arabia Major.

Noong nakaraang world championship, inuwi ng Pinoy team na Bren Esports ang korona matapos ang dramatikong seven-game grand finals series kontra Burmese Ghouls ng Myanmar.

Siguraduhing nakatutuk sa mga pinakahuling balita tungkol sa M3 World Championship sa pamamagtian ng pagsubaybay sa facebook page ng Mobile Legends Esports.