Sa nakaraang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021 (MSC 2021), makikita kung gaano kalakas ang mga mage heroes sa nakaraang patch, kung saan si Harith at Lunox ang mga most picked heroes.

Para sa mga biktima ng mga OP mage heroes, wag na kayong mag-alala. Sa paglabas ng bagong Mobile Legends: Bang Bang patch 1.5.88, may bagong item na magbibigay sa ibang roles ng fighting chance laban sa mga mages: ang Radiant Armor.

Radiant Armor stats and details

  • +850 Health Points
  • +6 Health Regeneration
  • +45 Magic Defense
  • Unique Passive: Holy Blessing: Increases own Magic Damage Reduction by 3-10 upon taking Magic Damage (scales with level), lasting for 3s and stacking up to 8.

Bakit kailangang bumili ng Radiant Armor laban sa mga mage?

Matapos ang masusing inspeksyon, ang Radiant Armor ang pangalawa sa may pianakamataas na magic resistance sunod sa Athena’s Shield.

Subalit ang dahilan kung bakit ito katatakutan ng mga mage ay dahil ang passive nito ay nagdadagdag ng magic damage reduction ng user habang tumatanggap sya ng damage.

Ibig sabihin nito, sa kada magic damage na matatanggap ng user ay tumataas din ang kanyang magioc defense ng three hanggang ten, depende sa kung anong level na sya. Aabot ito ng 125 magic resistance sa max level, ang pinakamataas sa game.

MLBB Change
Credit: Moonton

Ito ay isang malaking nerf sa mga DPS mage heroes tulad nina Chang’e at Yve, na umaasa sa kanilang combos na nagbibigay ng tuloy-tuloy na magic damage.

Mabisa din ito laban sa mga burst mages tulad nina Lunox at Harith, dahil nagbibigay din ito ng mataas na HP boost.

Alamin ang iba pang detalye tungkol patch 1.5.88 sa MLBB YouTube channel.