Galing sa mainit na panalo kontra Impunity KH, patuloy na nagbaga ang Execration sa kanilang sabong kontra RSG MY.

Tinuldukan ng MPL-PH Season 7 runner-ups ang kampanya ng Malaysian team sa 2-0 pasabog sa lower bracket semifinals ng MSC 2021.

Tampok sa unang sultada ang Grock ni Joshua “Ch4knu” Mangilog na sandamukal na highlight plays ang iniambag para sa mid at late game engkwentro ng EXE.

Isang wild charge ni Ch4knu sa mid lane engkwentro 8 minuto sa laro ang bumulaga sa RSG kung saan apat na miyembro sa kanila ang nawala. Ito rin ang punto kung saan nagsimulang umikot ang makinarya ng mga Pinoy.

Kasama ng mga henyong setup ni Ch4kmamba, sabog sa 89k total damage output ng Ling ni Kiel VJ “kielvj” Hernandez ang mga Malaysians papunta sa MVP of the game award.

Inilabas naman ni Coach Jomie “Paka1ts” Abalos ang world class Khufra para sa kanyang roaming tank at panglasong Faramis na ipihawak niya kay Renz “Renzio” Cadua. Kasama nito, signature Harith din ni Duane “kelra” Pillas ang nakasalang sa match point.

Dahil sa henyong drafting, hindi nakakuha ng tiyansa ang RSG makakuha ng kontrol sa laro. Bugbog sa Ling ni kielvj at Harith ni kelra ang mga Malaysians kung saan nagtala ang Double-K Connection ng 10/1/5 at 9/2/7 KDAs.

Sa panalong ito, aabante ang Execration sa lower bracket at kakaharapin sa rematch ang EVOS Legends. Segurado na din ang top 3 finish para sa PH reps sa MSC 2021.