Wagi ang Execration sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021 matapos ang kanilang nakamamanghang lower bracket run na tinuldukan ng pagbanse kontra Blacklist International sa grand finals.

Kalakip ng titulong Kings of the SEA na kanilang nakuha bilang kampeon ng nasabing regional tournament, ito pa ang ilan sa mga ‘Kings’ na ibinabansag sa pinakamalakas na koponan ngayon sa rehiyon.

Late Game Kings

Madalas nang maitawag ito sa Execration simula pa noong ika-anim na season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines, ngunit tumibay lamang nitong huling dalawang kampanya nila.

Noong MPL-PH Season 7, 18 minuto at walong segundo ang average game time ng Execration, ang pinakamatagal kumpara sa siyam pang kalahok ng liga. 19 minuto at 15 segundo naman ang average win time ng koponan na ikalawa sa pinakamatagal.

Dahil sa pagiging kilabot ng mga ito sa late game, bumida ang Execration sa pinakamalulupit na laro ngayong taon, katulad na lang ng 49-minute panalo nila kontra Bren Esports noong MPL-PH Season 7 playoffs.

[MPL-PH S7 Day 4] EXE vs BREN Game 3

Ch4k-Mamba says wala munang uuwi as EXE takes Game 3! Ito na ang LONGEST game ngayong S7Video from MPL Philippines

Posted by ONE Esports Philippines on Saturday, May 29, 2021

Lower Bracket Kings

Sa huling dalawang MLBB tournament kung saan nangibabaw ang Execration, ginapang ng koponan ang lower bracket, tila ‘di alintana ang panganib ng elimination, para makarating sa grand finals.

Ayon kay James “E2MAX” Caidic sa kanilang champion interview, mas sanay daw sila na maglaro nang may pressure at nakatutulong din daw ang dami ng laro sa lower bracket upang mabatak sila. 

“Yun din yung nakikita ko sa team eh, once na andun na kami sa time na pwede kaming malaglag parang mas dun kami lumalakas tsaka nagiging confident kami sa mga galaw namin na hindi kami kinakabahan parang relaks lang,” paliwanag niya.

Marahil ay wala nang ibang koponan ang mas gagaling pa sa lower bracket kesa sa ‘Lower Bracket Kings’.

Comeback Kings

Bagamat tila kasing-kahulugan lang ang bansag na ito sa mga nabanggit na na titulo, may ibang bigat ang ‘Comeback Kings’ na wala sa naunang dalawa.

Execration MSC 2021 Team Photo
Credit: Moonton

Nanalo ang Execration sa MSC kung kelan #ComebackLegends ang tagline nito. Patungkol ito sa pagbabalik ng naturang regional tournament matapos ma-postpone noong nakaraang taon dahil sa banta ng pandemya.

Umaangkop ang temang ito sa mas malawak na paraan ng paglalaro koponan na kadalasa’y nagpapabugbog muna bago tuluyang bumawi.

King of Kings

Nailaglag ng Execration ang RSG MY at EVOS Legends sa lower bracket, at nabawian ang Blacklist International sa grand finals upang maisakatuparan ang titulong ‘Lower Bracket Kings’.

Execration MSC 2021 Grand Champion

Bukod sa pagiging pinakamalalakas na pambato ng kani-kanilang bansa, isa pang pagkakapareho ng mga koponan na tinalo ng Execration ay ang pagsisilbi nitong hari ng MPL sa Malaysia, Indonesia, at Pilipinas. 

Dahil mga hari ang kanilang mga tinalo upang maging kampeon ng MSC 2021, marapat lamang na kilalanin ang Execration bilang ‘King of Kings’.

King of the SEA

Hindi na kailangan ng mahabang paliwanag pa.

Credit: Moonton

Sapat na ang isang linggong kampanya nila sa MSC 2021 upang hirangin ang Execration bilang ang nagiisang ‘King of the SEA’.