Matagal nang bali-balita ang pagbabalik ng EVOS sa eksena sa Pilipinas. Subalit, sa kagagawa pa lamang na opisyal na Filipino Facebook page ng team, mas naging malinaman ang usapan patungkol dito.

Nag-post sa kaniyang Instagram story ang head ng EVOS Esports na si Aldean “Luch” Tegar sa kaniyang story ng isang cryptic message na nagpapakita ng tigre at mga kulay ng flag ng Pinas.

Dagdag na rin ang post ni Bjorn “Zeys” Ong, ang championship-decorated na coach ng EVOS Esports sa kaniyang instagram story na nagpaparamdam ng pagbabalik ng EVOS PH.

Wala pang kahit anong uri ng anunsyo ang lumabas tungkol sa kupunan ngunit hindi nito napigilan ang sandamukal na spekulasyon mula sa Pinoy fans. Ngunit unti-unti na ring nilalagyan ng posts ang Facebook account ng EVOS PH.

Hello hello testing 1,2,3… Anyone here? #EVOSROAR

Posted by EVOS Esports PH on Thursday, June 10, 2021

Nakasentro ang mga usapan patungkol sa mga kukuhaing players at coach kung sila ay magsisimula ng sarili nilang franchise, o di kaya naman kung sino ang aampunin o papalitan ng team kung totoo nga ang pagbabalik ng sikat na brand.

Matatandaang sumugal na din ang EVOS sa eksena noong MPL-PH Season 3 kung saan inampon nila ang lineup ng SxC Imbalance na nagtapos sa respetableng 4th place finish.

Hindi nakuha ng EVOS PH ang nais nilang momentum sa Season 4 kung saan maaga silang napauwi ng Bren Esports sa Round 1. Sa mga panahon ding yoon napagdesisyunan ng brand na magpull-out muna sa PH eksena.

At ngayong nagpatakam ang EVOS sa isang malaking pagbabalik sa Season 8, mas lalong nasabik ang madaming Filipino fans lalong-lalo na dahil sa kakaibang kalibre ng mga kalahok na kupunan sa MPL-PH.

Abangan kung maki-comeback legends ang EVOS sa MPL-PH sa pamamagitan ng pag-follow sa kanilang opisyal na Facebook page.