Malinis at mabilis na 2-0 sweep ang inihain ng Blacklist International para sa MLBB fans sa kanilang upper bracket match up kontra RSG-MY sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021.

Sa unang sultada ng kinaabangang matchup, ipinakita na agad ng Blacklist kung bakit sila ang paboritong makakuha ng kampyonato.

Purnada ang agresibong panggugulo ng Malaysian team sa Aldous ni Danerie “Wise” Del Rosario gawa ng dekalibreng Mathilda play ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna. Henyo ang mga counter-initiation ni V33nus na nagtala ng 3 kills para sa maagang kontrol sa laro.

Hindi kagulat-gulat ang 6k gold lead ng MPL-PH Season 7 champions 10 minuto sa laro dulot na din ng dominanteng pagpapakita ni Paquito ni Edward “EDWARD” Dapadap.

Nahirapan ng pigilan ng RSG ang tuluyang pagkabasag ng kanilang base dala ng presensya ng Mathilda ni V33nus na siya ding kinilala na MVP of the game sa 7/2/9 KDA.

Mathilda airlines ni OhMyV33nus ang susi sa pagpigil sa early game na isinalang ng RSG MY sa game 1.

Mistulang nakuha na ng Malayisans ang sagot para sa Filipino team sa game 2 salpukan nang napaskamay nila ang kontrol sa early game kasama ang 2 turtle takes.

Pagtungtong mid game, nagbago ang ihip ng laro para sa Blacklist dahil sa matalinong positioning at engage at disengage mechanics tampok parin ang Benedetta ni EDWARD.

Baka OHEB yan! Malaking impact ang dinala ng signature Harith ni Oheb para kumpletuhin ang pagwawalis ng Blacklist International sa RSG MY.

Bugbog sa Granger ni Wise ang mga miyembro ng RSG kung saan naglista ang pamosong jungler ng 6/1/4 KDA 12 minuto sa laro. Di din maikakaila ang malaking kontribusyon ng signautre Harith ni Keil “Oheb” Soriano na nagtala ng 5/2/4 KDA para sa MVP gantimpala.

Sa panalong ito, aabante ang Blacklist sa upper bracket at haharapin ang mananalo sa laban ng PH representative, Execration at MPL-ID Season 7 Champions, EVOS Legends.

Sa kabilang banda naman, magbabanggaan ang RSG MY at Bigetron Alpha sa lower bracket.