Pasok ang dalawang delegado ng Pilipinas sa upper bracket ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2021 playoffs matapos talunin ng Blacklist International ang Impunity KH, 2-0, sa ikalawang araw ng group stage phase 1.

Bakas ang paghahandang ginawa ng Cambodian team kontra kampeon ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 7 pero hindi ito naging sapat para ma-break ang code.

Bruno ni Wise, bumida

Sa unang mapa ng serye, inilaan ng koponan ang buong ban slots nila para tanggalin ang heroes ng V33Wise duo—Aldous, Brody, at Granger ni Danerie “Wise” Del Rosario pati na rin Mathilda at Yve ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna.

Muka mang naipit sa Bruno pick ang Pinoy na Jungler, taliwas naman ito sa kanyang pinakita buong laro.

Bukod sa pagtulong niyang magtala ng 5-0 kalamangan sa kills ang kanyang koponan sa unang limang minuto ng laro, susi rin ang kanyang Maniac bandang 11-minuto ng laban para isarado ng Blacklist International ang panalo.

Credit: Moonton

Feeding Diggie strategy, itlog kontra Blacklist International

Sinubukan ng Impunity KH na pahabain pa ang serye gamit ang Feeding Diggie strategy sa ikalawang mapa ng serye. Sanay man sa gimik na ‘to, tila nahirapan pa rin ang Blacklist International na maglaro kontra dito.

Naging pahirap din ang Hayabusa ni Oppi at Granger ni WIGHTNIGHT sa mga Pinoy, pero hindi ito naging sapat para pigilan ang pagpapakitang-gilas ni Kiel Calvin “OHEB” Soriano gamit ang Lunox.

Pinabwelo ng mga pitas ng MPL-PH rookie ang Blacklist International upang maka-ahon mula sa pagkakadehado. Bandang 16-minuto ng laro, tuluyan nang binasag ng mga Philippine representative ang base ng kanilang kalaban sa tulong ng Luminous Lord.

Kinilalang MVP ang Yve ni OhMyV33nus matapos magtala ng 7/2/16 kill-death-assist scoreline at 63880 damage.


Dahil sa kanilang panalo, natapos ng Blacklist International at Execration ang unang phase ng group stage nang may kabuuang win-loss record na 8-0. Didiretso na rin ang dalawa sa upper bracket ng playoffs na magsisimula sa Biyernes, ika-11 ng Hunyo.

Mapapanood ang Filipino broadcast ng MSC 2021 sa official Facebook at YouTube pages ng Mobile Legends: Bang Bang.