Kung dati ay nakikita lamang ang Mobile Legends: Bang Bang hero na Balmond sa low ranked at classic games, nag-iba na ang istorya ngayon.

Matapos ilatag ang MLBB patch 1.5.96, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Balmond mains sa pagmaniobra ng kanilang paboritong hero. Dahil sa mga ginawang adjustments sa kaniyang abilities, mas naging matatag ang kaniyang early game potential.

Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit ngayon ay pumapangalawa siya sa most picked heroes ayon sa pinakahuling MLBB Stats. At kung paparisan pa ng mga angkop na items, pambihira ang magagawa ng Bloody Beast sa laro.

Pero paano nga ba ang diskarte sa Bloody Beast ngayon? Ano ang mga items na dapat bigyan ng konsiderasyon para maging epektibo?


Mga item choices para sa Balmond ngayon

War Axe

Credit: Moonton

Kritikal ang pagbuo ng item na War Axe sa nagbabalik na hero sa meta. Bukod sa karagdagang 45 damage at 550 health points, matindi rin ang epekto ng passive nito na Battle Stance na nagbibigay ng stacked physical penetration sa hero.

Ang hindi kapansin-pansin ngunit pinakamagandang epekto ng item na ito sa Bloody Beast ay ang 10% cooldown reduction na naiaambag ng item.

Malaking rason kung bakit nagbabalik ngayon ang hero na ito ay dahil sa pinababang cooldowns ng main damage ability niya na Cyclone Sweep at ang ultimate niyang Lethal Counter. Kung paparisan ito ng mga items na mas magpapababa pa ng mga cooldown ng mga abilities na ng hero, malaki ang magiging impact ng Balmond sa laro lalung-lalo na sa early game.


Dominance Ice

Credit: Moonton

Oo, cooldown reduction ang tema ng core items ng Balmond ngayon.

Kaya naman perpektong item din ang Dominance Ice para sa hero. Liban sa malaking physical defense at adisyunal na movement speed, may 10% cooldown reduction din ito kasabay pa ng unique passive ng item na Artic Cold na nagpapababa ng regeneration ng kalaban.

Perpekto ito kapag ang kalabang team ay may regen heroes tulad nina Yu Zhong, Esmeralda, Alpha, Thamuz at marami pang iba.

Oracle

Credit: Moonton

Maraming iba’t-ibang pagpipilian para sa mga items ng Balmond. Ngunit katulad ng lahat ng laro sa MLBB, dapat suriing mabuti ang composition ng kalaban.

Kung may mga burst mages ang kabilang kupunan, magandang opsyon ang pagbuo ng Oracle. Malaking bagay ang adisyunal na 850 HP at 42 magic defense para maiwasang mapitas agad ng mga hero tulad ng Eudora, Kadita at Kagura.

Ngunit katulad ng nabanggit kanina, ang papatong na 10% cooldown reduction na epekto din ng Oracle ang lalong mas magbibigay ng kargada sa hero para sa agresibong plays.


Bloodlust Axe

Credit: Moonton

Tipikal para sa mga EXP laners ngayon ang paggamit ng War Axe at Bloodlust Axe item combination. Hindi kataka-taka kung bakit. Mas pinapaigting ng Bloodlust Axe ang damage at cooldown reduction ng mga side laners tulad ni Balmond kaya naman napakadaling mag-domina sa lane.

Ang karagdagang 20% spell vamp at 70 physical attack ang napapasakit sa Cyclone Sweep at Lethal counter. Gayunpaman, tipikal lamang binubuo ang kombinasyon na ito kung maagang nadomina ng kupunan ang kalaban. Malimit na makikitang defensive item ang ikatlong item sa Balmond, kaya naman dapat suriing mabuti kung bubuin ang early damage item na ito.

Hunter Strike

Credit: Moonton

Gaya ng Bloodlust Axe, ginagawang mas agresibo ng Hunter Strike ang kahit sinong gumagamit ng nagbabalik na hero. Physical damage at cooldown reduction ang ibinibigay ng attack damage item, kaya naman nag-uumapaw ang snow ball potential ng Balmond lalo na kung nabuo ito ng maaaga sa laro.

Ang unique passive nitong Retribution ay may movement speed buff na magagamit ng hero sa paghabol ng mga damage dealers ng kalaban.


Brute Force Breastplate

Credit: Moonton

Magandang opsyon ang Brute Force Breastplate para sa Bloody Beast ngayon. Nagbibigay ang defensive item na ito ng karagdagang HP at physical defense na importante kung haharap laban sa mga physical attack heroes.

Kasabay nito, malaki ang ambag ng unique passive ng item sa kill potential ng hero. Swabe ang kombinasyon ng Cyclone Sweep sa defense at movement speed buff dala ng item kaya tipikal itong binubuo bilang ikatlo o ikaaapat na item ng mga Balmond players.

Queen’s Wings

Credit: Moonton

Maraming Balmond players ang hindi naiiwasang manggigil kapag nakakakita ng mga malalambot ngunit high-damage heroes sa mapa.May mga pagkakataong nauunahan ang hero sa bigayan.

Kaya naman hindi masamang manigurado at bumuo ng Queen’s Wings. Hindi na kasing dalas ang pagbuo ng item na ito katulad noong nakaraang mga patch dahil sa binagong lifesteal mechanic na ngayon ay spell vamp na. Ngunit malaki pa rin ang impact na dala nito sa Bloody Beast.

Makatanggap man ng malaking damage ang hero ay magagawa ng hero na ibalik ang kaniyang HP dahil sa kaniyang passive na Bloodthirst at unique passive ng item na nagbibigay ng 25% spell vamp. Nababawasan din ang damage na nakukuha ng may hawak ng Queen’s Wings kapag nasa 40% na lang ang buhay ng hero.

BASAHIN: Bakit ang Saber na may War Axe ang pinakamatinding combo sa Mobile Legends ngayon