Kung mainit na bakbakan ang ating nasaksihan sa Day 1 ng MSC 2021 Playoffs, mas makabog-damdaming Day 2 naman ang inihandog sa atin ng mga kupunan sa kani-kanilang matchups.

Bye Bigetron sabi ng RSG MY

Kapana-panabik ang do or die matchup ng RSG MY at Bigetron Alpha sa unang laban ng Playoffs Day 2. Umabot sa tatlong games ang salpukan kung saan nanaig ang MPL-MY Season 7 Champions.

Hindi naging madali para sa RSG na makuha ang seryeng ito dala ng early game atake ng Bigetron. Sa game 1, bida si Muhammad Arif “Rippo” Bin Abdul Halim sa kanyang gloo na malaking sustain at team fight control ang iniambag para sa game 1 sulot ng Indonesians.

Sa game 2 naman, malakas na mid game kontrol ang isinalang ng RSG MY para bawiin ang game 1 pagkatalo. Zoning at burst damage ang ibinigay ng Pharsa ni Izanami na nagtamo ng MVP gantimpala.

Diniktahan naman ng Beatrix ni LOLEALZ ang rubber match kung saan pinaulanan niya ang mga miyembro ng Bigetron para sa game high 160k damage output para maselyo ang MVP award at ang panalo para sa kaniyang kupunan.

EXE pinatalsik ang Impunity KH, 2-1

Pinatunayan muli ng Execration na sila ang hari ng comeback sa mundo ng MLBB sa pagkumpleto ng reverse sweep laban sa Impunity KH.

Sa do-or-die laro ng serye, inihain ni Coach Jomie “Pakbet” Abalos ang paboritong Gloo last pick na naging susi sa kanilang come-from-behind panalo.

Tinulungan ng Gloo ni Renz “Renzio” Cadua baliin ang layering ng skills ng Impunity na nagpadali ng buhay sa kanilang damage dealers. Kaya naman hindi nakapagtataka na malaki ang ginawang pinsala ng Harith ni Duane “Kelra” Pilllas na naglista ng 53k total damage dealt.

Ngunit bago makamit ang matamis na panalo sa serye, mapait muna ang dinanas ng Execration sa kamay ng Benedetta ni Oppi sa game 1. Tuso ang gold laner ng Impunity KH na pumugak sa mid lane 22 minuto sa laro para manakaw ang unang panalo.

Mabilis na nag-reset ang Execration pagdating ng game 2. Pighati ang sinapit ng mga Cambodian sa Lancelot ni Kiel VJ “kielvj” Hernandez na kumatay sa kanilang lineup para sa malinis na 11/0/5 KDA.

Lapnos ang EVOS Legends sa Blacklist International, 3-0

Swabe lang ang ipinakitang galawan ng Blacklist International sa kanilang pagdarag sa EVOS Legends sa kanilang pinakaaabangang matchup sa upper bracket. Tatlong mabibilis at sunud-sunod na pakawala ang tuluyang nagpatalsik sa MPL-ID Season 7 Champions papunta sa lower bracket.

Susi si Kiel “Oheb” Soriano sa unang dalawang panalo kung saan ipinakita niya kung paano imainobra ang gold lane mages sa kaniyang Alice at Harith. Nagtala ang kaniyang side mages ng magkasunod na 7/3/5 at 10/1/5 KDAs para hirangin bilang MVP sa parehong laro.

Dahil sa atensyong nakuha ni Oheb mula sa Indonesians, lumusot sa draft ang kinatatakutang Estess ni Johnmar ” OhMyV33nus” Villaluna na lumason sa team fight ng kabilang kupunan. Susi ang healing at timing ng pamosong mid support na tinulungan ang kaniyang kupunan isarado ang serye sa 3-0.

Two times the charm para sa Execration

Sa kanilang pangalawang sultada ngayong araw, hindi binigo ng Execration ang mga nanood na Pinoy sa kanilang malinis na pagpapatalsik sa RSG MY.

Sabog ang Malaysians sa 2-0 sweep na pinadali ng back-to-back MVP performance ni Kiel VJ “kielvj” Hernandez sa kaniyang pamatay na Ling. Inilista ni “The King” ang obra maestrang 14/3/6 at 10/1/5 KDAs para buhatin ang PH team.

Matapos ang game 1 panalo, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Coach Jomie “Paka1ts” Abalos na inilabas ang lason ng lupon na Faramis at Khufra na ibinigay niya kay Renz “renzio” Cadua at Joshua “Ch4knu” Mangilog.

Halatang hindi handa ang mga Malaysians sa isinalang ng mga Pinoy kaya naman kontrolado ng EXE ang buong laro papunta sa 2-0 sweep. Sa panalong ito, makakaharap muli ng Pinoy team ang EVOS Legends sa lower bracket finals.

Suportahan ang #EXEShot sa paparating nilang matchup mamaya!