Itabi nyo muna ‘yang Feeding Diggie at Full Strike strats, may bagong meta na nauuso ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang! Ito ay ang “Nice one, Baby” strategy, at oo, tama ang pagkakabasa mo.

Sa Nice one, Baby strategy, kailangan ng dalawang players – isang utility support at isang core jungle. Ang trabaho ng support ay bantayan ang jungler, at unahin lagi sya sa lahat ng oras.

Karaniwang gumagamit ng Angela o Rafaela ang support player para gumana ang strategy na to, habang ang jungler naman ay gagamit ng high damage assassin tulad ni Ling, Gusion, o Fanny. Kailangan lang mag-heal ng support, habang ang jungler naman ang magi-initiate at papatay.

MLBB Rafaela
Credit: Moonton

Nang pumasok ang Nice one, baby strategy sa competitive play, dalawang healing support heroes ang nilalagay ng mga teams sa kanilang lineup.

Halimbawa, ang Blacklist International ay gumamit ng Estes at Rafaela nang talunin nila ang Work Auster Force sa ikatlong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 7.

MLBB MPL PH S7 BlacklistInternational vs WorkAusterForce
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

At bakit ng aba ito tinawag na “Nice one, Baby?”

Kapag naglalaro ng rank game ang mga couples, madalas gumagamit ng assassin ang lalake para ma-impress ang kanyang girlfriend sa kanyang mechanical skills.

Kasabay nito, hihingi sya ng support sa kanya partner, na pipili naman ng hero na makakatulong sa kanyang mag-survive sa team fights. Kaya Angela at Rafaela ang best combo para dito.

Ang imbentong pangalan na ‘to ay pumatok sa online communities, na pati ang mga MPL casters na sila Manjean at Rob Luna ay ginagamit na rin ‘to sa broadcast.

Mauuso rin kaya ‘to sa ibang regions ng MPL?