Walang katulad ang ipinakitang tatag ng mga kupunang sumabak sa unang araw ng MSC 2021 Playoffs. May mga umabante at may mga umuwi. Iba’t-ibang istorya, alamin kung sino ang mga nagwagi!

Bigetron Alpha, niligpit ang Todak, 2-0

Kasabay ng pagbabago ng lineup ng Bigetron Alpha ang sariwang composition na isinalang nila sa game 1 ng lower bracket bakbakan kontra Todak.

Tampok sa unang sultada ang Karrie jungler ni Deven “Renbo” Marks at Belerick side lane para kay Muhammad Arif “Rippo” Bin Abdul Halim na kumabog sa kalabang Malaysian team. Kasama nito, malupit na Mathilda gameplay ni Hengky “KYY” Gunawan ang nangwasak sa early game ng Todak papunta sa dominanteng 12 minuto panalo.

Halimaw na Phobeus naman ni Rippo ang kumatay sa Todak sa pangalawang laro ng serye. Malinis ang trabaho ng offlaner sa 7/0/5 KDA na nagpataob sa early game tirada ng mga Malaysian. Sa pagpapatalsik sa Todak, aabante ang Bigetron sa lower bracket kung saan makakabangga nila ang matatalo sa upperbracket matchups.

Impunity KH nilason ang EVOS SG, 2-0

Pinatunayan muli ni Oppi kung bakit hindi dapat pinapalusot ang Benedetta pick matapos ang napakahusay na maniobra sa game 1 kontra EVOS SG.

Credit: Moonton

Impresibo ang labas-pasok mechanics ng gold laner ng Impunity KH na nagpadapa sa sidelanes ng EVOS at patuloy na bumugbog sa backlines ng kalaban. Di kataka-takang MVP of the game ang kanyang Benedetta na may 14/2/6 KDA.

Samdamukal na highlight plays ang nasaksihan ng mga fans sa pangalawang sultada ng seryeng ito. Pinakatampok sa mga ito ang tiktok play ni Tyy sa kanyang Jawhead na nagbago ng ihip ng hangin para sa Impunity KH.

Credit: Moonton

Sa ika-14 minuto ng laro, isang flicker-ejector combo ang ginamit ni Tyy para ibalibag sa ilalim ng tore ang Granger ni Andrew “Potato” Lim para sa importanteng pitas.

Nakumpleto ng Cambodian team ang dramatikong upset sa isang wipe out malapit sa Lord pit papunta sa death march sa panguguna ng Yi Sun Shin ni WIGHTNITE.

RSG MY, di umubra sa Blacklist International

Sa unang upper bracket matchup, sinibukang asintahin ng RSG MY draft ang Aldous ni Danerie “Wise” Del Rosario sa pamamgitan ng Lunox at Esmeralda picks sa game 1.

Subalit, hindi pinayagan ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna na maisakatuparan ng kalaban ang kanilang balak sa kanyang partner in crime.

Wasak sa Mathilda ni V33nus ang RSG sa early game kung saan nagtala siya ng maagang 3 pitas. Di nagtapos ang dominanteng pagpapakita ng pamosong mid support hanggang mid at late game para sa kabuuang 7/2/9 KDA at MVP gantimpala.

Sa game 2 naman, mistulang nasagot na ng Malaysians ang Blacklist dahil sa maagang kontrol sa laro kung saan napasakamay nila ang dalawang turtles. Ngunit sa mid game, value trades ang sinelyo ng PH reps para maibaling ang daloy ng laro.

Susi ang Granger ni Wise sa mga engkwentro gayundin ang brilyanteng performance ni Kiel “Oheb” Soriano sa kanyang signature Harith na nagtala ng 5/2/4 KDA papunta sa MVP award.

EVOS Legends, lusot kontra Execration, 2-1

Unang laban palang ng seryeng ito, kakaibang pasabog na agad ang ipinakita ng EVOS Legends at Execration.

Kontrolado ng EVOS ang early game sa pamamagitan ng Paquito tank ni Joshua “LJ” Darmansyah na ibang lebel ng zoning ang iniambag para makalamang ang kanyang kupunan ng 4k gold 7 minuto sa laro.

Ngunit hindi nila nakita ang paparating na delubyo parating ng mid-game kung saan bida ang Lunox ni Duane “Kelra” Pilllas na patuloy na pumilas sa mga miyembro ng EVOS

Isang mid game engkwentro 11 minuto sa laro ang tuluyang nagselyo ng game 1 para sa Execration kung saan nilapnos ni Kelra at Kiel VJ “kielvj” Hernandez ang kabuuan ng lineup ng EVOS.

Sa game 2 naman, hindi nagkalayo ang dalawang kupunan sa early game ngunit pagdako ng mid game, diktado ng EVOS ang tempo dala ng impact ng Lou Yi at Alice sa team fight.

Credit: Moonton

Tunay na maaalamat ang Alice ni Maxhill “Antimage” Leonardo para sa EVOS na matinding sustain ang dinala sa engkwentro sa mid lane 14 minutes sa laro. Lapnos ang mga miyembro ng EXE sa Blode ode sa team fight na nagbigay daan para itabla ang serye.

Map control naman ang tirada ng Indonesians sa game 3 kung saan patuloy na nagulo ng kanilang supports ang farm ni kielvj. Maluwag din ang mapa para maka-scale ang Harith ni Clover at Alice ni Antimage.

Ubos ang tore ng Execration sa 11 minutes sa death push ng EVOS na nagmistulang katapusan na ng PH reps. Subalit, perpektong layering ng skills ng MPL-PH season 7 runner ups sa ika-12 at ika-14 minuto ang naging susi sa kanilang depensa.

Credit: Moonton

Hindi naging sapat ito para pigilan ang EVOS death push kasama ang lord sa ika-20 minuto ng laro para isarado ang serye sa 2-1.

Aabante ang Indonesian team sa upper bracket at haharapin ang matikas na Blacklist International. Kakalabanin naman ng Execration ang Impunity KH sa lower bracket.