Nagbabalik ang ONE Esports Fantasy ngayong linggo para sa MPL PH at MPL MY Playoff.

Patunayan na ikaw ang Fantasy expert at manalo ng 6,000 MLBB Diamonds!

Tignan kung paano gumagana ang ONE Esports Fantasy

Aandar ang MPL PH playoffs sa May 26-30, habang ang MPL MY playoffs naman ay May 28-30.

Sa bawat playoffs ng bawat liga, maari mong i-predict ang outcome ng bawat laro.

Matapos pumili ng iyong pambato, maari mo itong baguhin hangga’t hindi pa nagsisimula ang match. Matapos niyan, locked in ka na.

Kung na-predict mo ang team na mananalo, makaka-score ka ng 10 points. Hindi ka mawawalan ng point para sa maling pick, kaya mas mainam na ikaw ay mag-predict ng mas maraming games pa!

Sa pagtatapos ng bawat tournament, ang players na may mas maraming points ay mananalo ng 6,000 MLBB Diamonds.