Ito ay na ito pagsalin mula sa original English article ni Amanda Tan.

Kahit na natalo ang Royal Never Give Up sa unang game sa kanilang series laban sa FunPlus Phoenix sa 2021 LPL Spring Finals, tulad ng kanilang pangalan, hindi sila sumuko, at ipinanalo ang series sa score na 3-1.

Player ng Royal Never Give Up mula pa noong 2017, nakuha ng long-time support na si Shi “Ming” Sen-Ming ang kanyang ika-apat na domestic title – sa pagkakataong ito, iba ang kasama nyang bot laner.

Sumali sa Royal Never Give Up si Chen “GALA” Wei noong Hunyo ng nakaraang taon. Malaki ang iginaling nya mula noon, at kapansin-pansin na naging mas mahusay syang AD carry sa 2021 season. Dahil sa nakakabilib niyang performance, sya ang tinanghal na FMVP.

League of Legends LPL Spring 2021 Royal Never Give Up GALA Ming
GALA and Ming
Credit: Royal Never Give Up

Pero sa likod ng bawat matikas na AD carry ay isang malakas na support. Sila ang nagdidikta ng lane, napo-protekta sa bot laner, at kung minsan ay sinasakripisyo pa nila ang kanilang sarili para lang mabuhay ang carry.

Sa kabila ng pagiging pro ng anim na taon mula LDL hanggang LPL, at bilang isa sa mga itinuturing na “kuya” sa squad, ang performance ni Ming nitong nakaraang finals ang maituturing na isa sa mga pinakamahusay nya nitong mga nakaraang taon. Sa katunayan, matibay ang paniniwala ko na siya dapat ang tumanggap ng FMVP trophy, at ito ang mga dahilan:


1. Nakakabilib ang kanyang mechanics at laning

Sa kabila ng pagkatalo, hindi maikakaila na maganda ang panimula ng Royal Never Give Up sa series. Sa unang dalaw ng Hecarim ni Yan “Wei” Yang-Wei sa bot lane, ang Nautilus ni Ming ang nagdala at nag-set ng napakagandang gank. Nakakaloko ang hitbox ng hook na ‘yun!

Nang matapos ang game 1, pareho ang Kill Participation nila Ming at GALA na nasa 71.4%, patunay na lagi silang magkasama. At bagamat talo, mas mataas din ang KP ni Ming kumpara sa Galio ng kanyang  counterpart na si Liu “Crisp” Qing-Song na nasa 47.4%.

Ang isa pang patunay na sila ang mas mahusay na duo ay ang mautak at pulido ang play na ipinakita nila Ming at GALA sa 2v2 bot lane action sa game three.

Matalino ang paggamit ni Ming ng crowd control, ginamitan muna ng Shield of Daybreak ng kanyang Leona ang Rell ni Crisp para makatakas ang kanyang AD carry. Pag talon ng Tristana ni Lin “Lwx” Wei-Xiang, sabay bitaw naman sya ng Zenith Blade para di makagalaw ang dalawa.

Walang pag-aalinlangang nag-flash si Ming kasunod ni Lwx para pumagitna sa mga kalabang bot laners at sa kanyang sugatan na AD carry. Ang desisyon na ‘to ay hindi lamang nakatulong kay GALA, kundi hinayaan din nito si Ming na makasingit ng mga basic attacks para tuluyang mapatay ang mga kalaban.


2. Kakaiba ang early game rotation ni Ming

Sobrang crucial ng game two para sa Royal Never Give Up. Pag natalo sila sa ikalawang beses sa FunPlus Phoenix, mahihirapan na silang makabawi.

At naulit na naman ang matchup, halos kalahati lang ng CS ng Irelia ni Jang “Nuguri” Ha-gwon ang kay Li “Xiaohu” Yuan-Hao. Apat na minuto pa lang ay lamang na ng 2 kills ang kalaban, at di rin nakatulong kahit mag-gank pa si Wei sa top.

Nag-rotate si Ming para mag-set ng gank sa mid kasama ang Ryze ni Yuan “Cryin” Cheng-Wei’s at Hecarim ni Wei. Gumamit sya ng Flash para mag-chain crowd control sa Viktor ni Kim “Doinb” Tae-san, at siniguro nyang hindi na ‘to makakatakas nang gamitan nya ng isang pixel perfect na hook.

Sa loob lang ng 3 minuto, dalawang beses dumalaw sa top si Ming. Sa pangalawang pagdalaw ay nakapag-set sya ng 3v3 na halatang hindi napaghandaan ng FunPlus Phoenix.

Katulong ang kanyang team, tinanggal nila ang pressure kay Xiaohu para makapag-farm ito ng maayos, habang sinusuportahan din ang Ryze ni Cryin. At kahit na dehado sila sa kills at gold, nakabawi pa rin sila sa game two para matabla ang series at makakuha ng bwelong kailangan nila.


3. Consistent ang pag-peel at set up nya para kay GALA sa team fights

Mapa-Nautilus, Leona, o Sett man ang gamit, laging nandiyan si Ming para mag-initiate para sa kanyang team at para protektahan ang kanyang AD carry.

Mula sa gilid, nakita ni Ming ang pagkakataon para mahuli ng Solar Flare ang Akali ni Doinb. At kahit na muntik nang mabaliktad ng FunPlus Phoenix ang sitwasyon dahil sa Zhonya’s Hourglass, makikita kung gaano kahusay kumuha ng posisyon si Ming habang nagkakagulo ang lahat.

Kasama si GALA sa backline, nag-cast si Ming ng Shield of Daybreak para ma-stun ang Jayce ni Nuguri at hindi na ito makalapit. Naging daan ‘to para makapagbitaw ng Icathian Rain ang AD carry at tapusin si Nuguri.

Habang mautak na pumoposisyon si GALA gamit ang naghihingalo nyang Kai’Sa, nakatulong ang Eclipse at basic attacks ni Ming para sa dagdag na damage sa mga natitirang target at tuluyang ubusin ang mga kalaban.

Sa game four, kahit na ibang initiator ang gamit, laging nakabantay si Ming kay GALA. Matapos makakita ng pagkakataon na patikimin si Crisp ng The Show Stopper at idamay ang dalawa pa nitong kasama, panoorin kung paano bantayan ni Ming si GALA sa kahabaan ng team fight.

Ang kanyang presensya, matibay na pagposisyon, at malinaw na communication sa kanyang bot laner ay higit pa sa kailangan nila para maging matagumpay sa laban at makuha ng Royal Never Give Up ang panalo sa huling game.

Sa post-game championship interview, nagtanong ang LPL host, “Last year was not a very smooth year for Royal Never Give Up. What made RNG so strong and get such a good result this split?”

“I think we didn’t have much pressure, and we just played normally. That’s why we had a very good performance,” sagot ni Ming.

Para sa mga support, hindi importante ang kills. Mas importante ang team, mas importante ang AD carry. Minsan, sa mga bihirang pagkakataon na ang support ay gumamit ng mage bot, o makagawa ng game-winning engages, sila ang nagiging MVP. Pero kadalasan, yung mga maliliit na bagay tulad ng crowd control, positioning, at presensya – na hindi nasusukat – ang nagiging malaking pagkakaiba.

At dahil sa mga nagawa ni Ming para kay GALA at sa kanyang team sa grand finals, sa kanya ang boto ko bilang FMVP.