Layunin ng 100 Thieves na mapabuti ang kanilang standings sa Summer sa pagsali ng EU mid laner na si Felix “Abbedagge” Braun at ng beteranong coach na si Bok “Reapered” Han-gyu.

Naging kapansin-pansin si Abbedagge sa Schalke 04 noong 2021 LEC Spring. Sa lahat ng LEC mid laners, pumapangalawa sya sa kill participation (70.2%) at pang-apat naman sa overall kills (55).

Subalit ang pagiging mahusay na player nya ay hindi nangangahulugan ng kanilang tagumpay bilang isang team. Nabigo ang S04 sa Spring Playoffs, nagtapos sila sa pang-apat na pwesto matapos ang madugong series laban sa Rogue.

Ang 100 Thieves ang tinaguriang new age contenders ng LCS, at dala ni Abbedagge ang mas solidong playmaking sa kanilang mid lane, bagay na itinuturing na isa sa mga kahinaan ng team.

Noong nakaraang season, si Tanner “Damonte” Damonte ang naglaro sa kabuuan ng regular season, pinalitan naman siya ng sub na si Tommy “ry0ma” Le sa post season. Bagamat bago ang approach ni ry0ma sa mid lane, nakatanggap pa rin ng matinding talo ang 100T sa kamay ng Cloud9 at TSM, nagtapos sila sa ika-apat na pwesto sa Mid-Season Showdown.

Opisyal na inanunsyo ng 100T general manager na si Christopher “PapaSmithy” Smith na magsisimula si Abbedagge sa Summer. Mula sa kanyang huli LEC appearance, mukha kaya ng 21-anyos na makipagsabayan sa mga sikat na mid lane imports ng liga, at maging haligi ng 100T squad.

“This is a player who we think will be able to elevate us to the next level and be our starting mid laner in the LCS for years to come,” sabi ni PapaSmithy.

Para sa mga nagtataka tungkol sa patakaran ng LCS sa mga import, natanggap na ng top laner ng 100T na si Kim “Ssumday” Chan-ho ang kanyang green card, kung kaya’t isa na syang residente ng NA. Ito ang nagbukas ng slot para kay Abbedagge, ang ikalawang import ng team.

Para naman kay Reapered, ang dating C9 coach ay isang mahalagang karagdagan sa sumisikat na LCS team. Kahit na wala sya sa ekesena noong Spring, ipinakita nya naman sa kanyang 4 taon sa C9 ang kanyang kakayahan na mamuno sa isang team, na nagresulta sa 4 back-to-back Worlds appearance at isang 2020 Spring Championship.

“I do believe that coaching itself is not just teaching them how to play the game,” sabi ni Reapered. “It’s more like giving them a little bit of freedom to do whatever they want to try, making sure they reach their highest potential as a player, and then maintaining that. That’s my job.”

Idinagdag din nya na pinili nya ang 100T dahil ramdam nyang kaparehas nya ng paniniwala ang team tungkol sa pagpapabuti at pamamahala. At nakita rin nyang isang magandang hamon na i-develop ang isang team na may magandang ipinapakita sa LCS.

Noong Spring, nakasungkit ng panalo ang team mula sa TL, subalit nagtamo sila ng dalawang talo mula sa C9 at TSM. Sa pangunguna ni Reapered, kakayanin nilang makahanap ng paraan para mapatumba sa Summer ang mga nangunguna sa liga na C9, Team Liquid, at TSM.

Nakikita ni PapaSmithy ang offseason bilang isang paraan para masiguro ang mga fans sa kanilang direksyon. Bagamat kinapos sila ng isang panalo para makuha ang ikatlong pwesto sa MSS, magbabalik ang 100 Thieves sa Summer season na nakatutok sa Summer playoffs, at sa huli ang Worlds 2021.

100 Thieves roster para sa 2021 LCS Summer:

  • Top: Kim “Ssumday” Chan-ho
  • Jungle: Can “Closer” Çelik
  • Mid: Felix “Abbedagge” Braun
  • ADC: Victor “FBI” Huang
  • Support: Choi “huhi” Jae-hyun
  • Subs: Tommy “ry0ma” Le, Tanner “Damonte” Damonte

At dahil mananatili ang regular season records, magsisimula ang 100 Thieves sa Summer ng nasa ikaapat na pwesto na may 11-7 record.