Nagwagi ang Royal Never Give up sa lower bracket ng pinakaunang double elimination playoffs sa League of Legends Pro League (LPL) para talunin ang FunPlus Phoenix 3-1 sa 2021 LPL Spring grand final. 

Kahit na nakalusot ang Royal Never Give Up at FunPlus Phoenix laban sa Edward Gaming 3-2 sa upper at lower bracket finals para makarating dito, mas pinaburan ng mga shoutcasters, analysts, at fans ang 2019 World Champions sa matchup na ito.

GALA at Ming Credit: Royal Never Give Up

Kung sabagay, ang FunPlus Phoenix naman ang tumalo sa Royal Never Give Up 3-0 sa Round 4, at ito ang nagtulak sa kanila sa lower bracket.

Hindi nakakagulat na nag-play out ang game one ayon sa script. Isang upgrade sa kanilang 2019 lineup, ang dating DAMWON Gaming top laner na si Jang “Nuguri” Ha-gwon ay gumamit sa style ng Royal Never Give Up sa kaniyang signature champion na si Irelia. Kahit na ang dalawang teams ay na-tie sa gold, ang isang ace kay Baron mula sa FunPlus Phoenix sa 32-minute mark ay ang nag-sway ng laro sa kanilang panig.

Matapos niyan, mabilis nang inadjust ng Royal Never Give Up ang kanilang drafts sa game two. Para ipakita na confident sila, hindi na rin sila nag-ban ng Irelia. Sa halip na ito, pinalakas pa nila ang loob ng mid laner na si Yuan “Cryin” Cheng-Wei sa pamamagitan ng paglagay nila nito kay Ryze, at siniguradong makuha ang Chen “GALA” Wei signature AD carry na Xayah.

Dahil kinailangan niyang labanan ang parehas na match up sa game one, si Li “Xiaohu” Yuan-Hao na ang gamit ay Jayce ay napilitang I-absorb ang pressure sa top lane. Dahil siya ang natamaan, 0/4 siya sa kalagitnaan ng laro. Ngunit dahil sa rotations mula sa kaniyang mid laner, jungler, at support, nanatiling competitive ang Royal Never Give Up.

Sa isang mahabang labanan, si GALA ang nagpakita ng totoong husay gamit si Xayah, matapos magbukas ng two-man root para makakuha ng double kill para sa team niya sa 12-minute mark. Kalmado ang AD carry kahit na nagkakagulo na sa paligid, at tinapos niya ang sequence gamit ang isang Featherstorm, Flash, at Bladecaller combo.

Tinulungan ni GALA ang Royal Never Give Up para pantayin ang series, habang tinapos niya ang game two ng may 6/1/6 KDA sa ilalim ng 30 na minuto.

Dahil hindi napili si Kai’Sa ng FunPlus Phoenix para sa blue side ng game three, nakuha siya ng Royal Never Give Up ng maaga sa draft. Dalawang minuto pa lang, sumugod na kaagad ang bot laners ng FunPlus Phoenix na sina Liu “Crisp” Qing-Song gamit si Rell at Lin “Lwx” Wei-Xang gamit ang Tristana at parehong kinalaban ang Kai’Sa ni GALA.

Sa kabila ng mababang HP, nanaig pa din si GALA matapos ma-misplace ni Lwx ang kaniyang Trinket ward sa labas ng tri-bush at tumapak sa labas nito, at dahil dito nagka-double kill pa si GALA.

Sa kalagitnaan ng laro, nahuli lamang ang FunPlus Phonex ng mahigit isang ibong gold. Na-take-advantage nila ang forced engagement ng Royal Never Give Up, at tinumba ang Olaf ni Yan “Wei” Yang-Wei at ang Orriana ni Cryin. 5v3, ang laban ay nasa pabor ng FunPlus Phoenix – hanggang sa nagpakitang gilas si GALA.

Matapos mag-Flash palayo sa To the Skies! Ni Jayce, nakaiwas siya sa pagtanggap ng burst damage mula kay Nuguri. Matapos niyan, gumamit ng isang clutch na Killer Instinct si GALA para sa shield, at ito ay ang nag-absorb ng damage para mabuhay pa siya. Ininom rin niya kaagad ang kaniyang refillable potion para manatiling buhay para sa kaniyang kamangha-manghang pentakill! 

Matapos ang limang minuto, tinumba ng Royal Never Give Up ang Nexus para ilagay ang sarili nila sa 2-1 sa isang best-of-five na serye. Gamit ang momentum na ito, ginamit muli ni GALA si Tristana, ang isang champion na nawala sa kaniya sa game one.

Noong lumabas ang Infernal Dragon, sabik na nilabanan ito ng parehong teams. Ang pinagkaiba lang ay may Teleport si Nuguri, at wala si Xiaohu, at ang ibig sabihin nito ay na-stuck ang Royal Never Give Up sa isang 4v5.

Ang mabilisang pag-solve ng math ay hindi rin naging mahalaga: matapos tumalon sa wall, nasa isang prime position na si GALA para patayin ang Ryze ni Kim “Doinb” Tae-sang. Agad agad na nagkaroon ng Flash for Flash reaction, ngunit nakaiwas si GALA sa root ni Lwx, at naisalba pa niya ang kaniyang Rocket Jump para maiwasan ang ultimate ni Xayah.

Maliban sa pagkapanalo ng Royal Never Give Up sa isang 4v5, nakasungkit din sila ng isang ace, 11 minuto pa lang sa laro.

Dahil sa pag-outplay ng bawat miyembro ng Royal Never Give Up sa kanilang mga kalaban, walang nakapagpigil sa kanila para manalo. Dahil sa paggamit nila ng mga advantageous fights at sa pag-pressure sa mapa, hindi na kinailangan ng Royal Never Give Up si Baron para tapusin ang maikling 21 na minutong game four para sa championship win.

“I feel super excited for getting this championship, and I want more in the future,” sabi ni GALA sa isang post-match interview sa harap ng full-house sa Wuhan.

Lalahok ang Royal Never Give Up sa Mid-Season Invitational sa Iceland simula May 6.