Ang pinakahuling champion ng ng League of Legends na si Gwen ay isang palaisipan na unti-unti nang naiintindihan ng mga players. Sa unang araw ng kanyang release, nagkaron sya ng 39% win rate sa high ELO solo queue. Sa kasulukuyan, umakyat na ito sa 44%.

Ang kaisa-isang bagay na pinagkasunduan ng mga pro players ay ang kanyang keystone rune, Conqueror, at Resolve bilang secondary tree. Pero hati pa rin ang opinion tungkol sa kung anong lane siya dapat pumwesto at kung ano ang mga pinakaepektibong items para sa champion na ‘to.

May kani-kaniyang take ang mga pro players sa iba’t ibang rehiyon tungkol sa kung anong best build, kahit pa magkapareho ng lane. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa kung anong Gwen build ang ginagamit ng mga pro:


T1 Canna (top lane)

Officially released bilang isang top laner, hindi nakakagulat na nag-eeksperimento sa iba’t ibang Gwen builds si Kim “Canna” Chang-dong ng T1, at sa huli ay nagdesisyon syang gumamit ng bruiser items. Doran’s Blade ang unang item nya, na minsan ay sinasamahan ng Dark Seal.

Ang Mythic item na minamadali nyang mabuo ay Divine Sunderer, na nagbibigay ng Attack Damage, Ability Haste, at ang pinakamahalaga, Health, samantalang ang pangalawa nyang core item ay Nashor’s Tooth para sa attack speed.

Ang huling item sa build ni Canna ay Cosmic Drive, para sa dagdag na movement speed at sticking power.

Sa sampung games na nilaro nya, pito ang kanyang ipinanalo, at sa kasulukuyan ay meron syang 70% win rate sa top lane Gwen na may 2.21 KDA.


G2 Esports Wunder (top lane)

Sa buong mundo, sobrang kakaiba ang napiling top lane build ni Martin “Wunder” Nordahl Hansen ng G2 Esports. Nagsisimula sa Doran’s Ring, sinusundan ng Hextech Rocketbelt bilang kanyang Mythic item. Mas kaunti ang binibigay nito na health kumpara sa Divine Sunderer, pero mas mataas ang offensive power dahil sa AP, magic penetration, at may kasama pang gap closer.

Isusunod nya ang Sorcerer’s Shoes at Zhonya’s Hourglass, at nag-iiba ang ikatlong core item depende sa game.

Nag-eksperimento rin si Wunderer sa paggamit ng Riftmaker bilang Mythic item, pero mas marami syang games na nalaro gamit ang kanyang kakaibang Hextech Rocketbelt build.


G2 Esports Caps (mid lane)

Siguro dahil na rin teammates sila, pero mukhang mas gusto ng mga EU pro players ang AP build para kay Gwen.

Pero tila si Rasmus “Caps” Borregaard Winther ng G2 Esports lang ang nag-iisang tumodo sa AP build. Sa pagkuha ng Everfrost bilang Mythic item, nagkakaron si Gwen ng crowd control na wala sa kanya.

Lich bane ang pangalawang core item, na nagpapabilis ng movement speed at nagpapalakas ng basic attack na bagay na bagay sa passive skill ni Gwen.


C9 Perkz (mid lane)

May mga kakaibang ideya naman kung paano gamitin si Gwen ang dating G2 teammate na si Luka “Perkz” Perković, na kakapanalo lang ng kanyang unang LCS title kasama ang Cloud9 ngayong LCS season.

Pagkakuha ng Doran’s Ring sa simula, magmamadali syang bumuo ng Riftmaker para sa Ability Power, Ability Haste, Health, at Omnivamp, na magiging kapakipakinabang para kay Gwen.

Kukuha din sya ng Nashor’s Tooth, at syempre Lucidity Boots para sa dagdag na cooldown, nag-iiba din ang ikatlong item nya depende sa estado ng laro.


T1 Faker (mid lane)

Sa Silangan, nakakuha ng inspirasyon si Lee “Faker” Sang-hyeok sa bruiser build ni Canna. Bigay todo sa 1v1 laban sa isang Twisted Fate, pinakita ni Faker kung gaano kalakas ang damage ni Gwen sa early game.

Tulad ng mga kapwa nya top laner, Divine Sunderer ang kanyang Mythic item, na sinusundan ng Nashor’s Tooth. Ang pinagkaiba naman ay mas pinili nya ang Zhonya’s Hourglass bilang ikatlong item sa halip na Cosmic Drive.

Sa limang games na nilaro nya gamit si Gwen, apat ang ipinanalo nya, na nagresulta sa 80% win rate at kahanga-hangang KDA na 3.15.