Ang mga sharpshooters ng League of Legends na sila Ashe at Jhin ay nagbabalik sa Riot Games Store sa kanilang restocked Unlocked Statues.

Ang mga Unlocked Statues na ito ay kasama sa hanay ng Riot Games ng mga detalyado at de kalidad na League of Legends figures suot ang kanilang default costumes at special skins.

Unang inilabas ang Ashe Unlocked Statue 5 taon na ang nakakaraan, ito rin ang unang Unlocked Statue sa series, box number 001. Makikita ang Frost Archer sa kanyang orihinal na Freljordian look bitbit ang kanyang signature bow at quiver of arrows.

League of Legends Ashe Unlocked Statue
Credit: Riot Games

Samantala, ang Jhin Unlocked Statue naman ay inilabas nung nakaraang taon lamang. Ito ay ang number 014 sa series (mas nauna ng kaunti sa Miss Fortune Unlocked Statue) at kuhang-kuha ang mga detalye ng Ionian champion.

League of Legends Jhin Unlocked Statue
Credit: Riot Games

Makikita ring merong rosas sa base stand, isang patunay sa kanyang artistic side.

Ang Ashe Unlocked Statue at Jhin Unlocked Statue ay nagkakahalaga ng 75 USD bawat isa at mabibili sa Riot Game Store.