Naniniwala ka bang may mga pagkakataon na ang pinakamalakin na laban na dapat nating maipanalo ay ang laban kontra sa ating sarili?

Ibiniahagi ni SGP coach Polo kung paano niya nakikita ang AWC 2021 competition, ang preparasyon ng kaniyang team at kung bakit sarili nila ang dapat nilang intindihin.


Naniniwala si coach Polo na malakas na team ang Bacon Time

Credit: Bacon Time

Isa sa mga paborito para manalo ang AWC 2021 ayon sa mga eksperto at mga fans ang Saigon Phantoms (SGP). Kagrupo ng kupunan galing Vietnan sa group C ang  RoV Pro League 2021 Summer champions na Bacon time.

Nakapanayam ng ONE Esports ang Saigon Phantom coach na si Võ “Polo” Hoàng Huy na hindi ikaniala kung gaano kalakas ang Bacon Time. “It was not a mere coincidence that they easily defeated Buriram United Esports (BRU) in the RPL Final with a score of 4 – 0. Even SGP appears to be inferior to Bacon Time.” 

Gayunpaman, naniniwala ang coach na 50-50 lang ang tiyansa ng parehong world-class teams.

Banggit ni Coach Polo na si Sitchana “Kimsensei” Kim ang isa sa mga pinakamalakas na mid laners sa Arena of Valor. Kaya naman hindi nag-atubili ang kaniyang team na i-sentro ang mga bago nilang stratehiya sa mid laner ng Bacon Time.

Kasabay nito, minamatyagan din ng Saigon Phatom ang Indonesian team na Archangel. 

“SGP will definitely try their best to get points against the Archangel team,” ani ng SGP coach.


Minsan, sarili mo ang pinakamalakas na kalaban

Credit: Garena

Nirerespeto ni coach Polo ang mga kasabayan nila sa Group C na Bacon Time, Archangel at UndeRank. Binanggit niya na naka-pokus ang kaniyang kupunan na malamapasan ang group stages na ito.

Kung mangyari man ito ay nais ng SGP coach na harapin ang dtac Talon o kaya naman ang MOP team.

Mapagtagumpayan ang mga papalapit na labanan; dito nakalinya ang ideolohiya ng coaching ni Polo. Kasama nito, gusto niya palaging naka-best performance mode ang kaniyang mga manlalaro at manatiling ganito sa kabuuan ng AWC.

Tampok din sa panayam ng sinabi ng Coach na ang pinakamalaking kalaban nila ay ang kanilang sarili.

“The opponent that we’re most concerned about right now is the team itself,” revealed SGP coach Polo. “Saigon Phantom is already confident as a strong team, but we have not yet reached perfection. The team needs to improve and make their every effort count in the days to come.”

Mga predictions para sa Vietnamense teams

Dahil sa pagsasama-sama ng Team Flash, MAD Team (MAD), Buriram United Esports at Dewa United Esports, maraming miron ang nagsasabing “group of death” daw ang Group A.

Hindi ito ang pananaw ni coach Polo.

Nirerespeto niya ang tikas ng defending champions na Team Flash na ang kupunan ding nagpataob sa Saigon Phantoms sa Arena of Glory (AOG) 2021 Spring Final.

“Team Flash has a lot of international experience,” sabi ni coach Polo. “They are completely capable. Their ability to rotate their roster will help them defeat BRU and MAD, and take them to the top spot.”

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Kahit pa madaming malalakas na teams sa Group B ay tingin ni coach na may 70% tiyansa ang V gaming na makapasok sa Knockout Stage.