Hi, ako si Pauline Faye at ako ay naging isang “player” dahil sa COVID-19 pandemic. Nagsimula ang aking paglalaro ng games dahil kagaya ng karamihan, ako ay walang choice kundi manatili sa aking tahanan dahil sa pandemya. Sa mga panahong ito, nagsimula ang aking passion for gaming dahil sa… baking.

Baking to gaming?

Introduction_PaulineFayeTria2

Oo, narinig niyo yan ng tama. Baking. Tinuruan ko ang sarili ko kung paano mag-bake at sa kabutihang-palad, nagtayo ako ng small online business. Matatawag akong “unexpected” ang aking paglalaro ng games dahil ginamit ko lang ito bilang pampalipas oras habang nagbe-bake ang aking mga cakes sa oven. Habang naghihintay, ako ay naglalaro. At paunti-unti ko itong natutunan mahalin.

Mobile games: ang aking naging gateway sa mundo ng esports

Introduction_PaulineFayeTria3
Screenshot ni Pauline Faye Tria

Isa rin sa mga rason kung bakit ako nagsimula maglaro ng games ay dahil sa boyfriend ko. Siya ang nag-introduce sa akin sa mobile games at doon nabuksan ang aking mga mata sa mundo ng esports at gaming. Nagsimula ako dahil isa na rin itong paraan para makapag-bonding kami.

Gaming bilang isang passion

Hindi ko matatawag ang sarili ko bilang isang “gamer” dahil kaunti pa lang ang mga larong nasubukan ko. Ang pinakaunang laro na sinubukan ko ay ang Call of Duty Mobile (CODM). Sobra ko itong na-enjoy, dahil kadalasan kalaro ko ang aking mga kaibigan.

Masasabi ko talagang mas masaya maglaro kung kasama mo ang mga nagpapatuwa sa’yo. Matapos ang CODM, sinubukan ko naman ang Mobile Legends: Bang Bang. Ngunit wala pa ako masiyadong masasabi dito dahil kasisimula ko pa lang itong laruin.

Para sa akin, ang esports ay isang komunidad kung saan ma-eenjoy mo ang libangan mo ng walang huhusga sa’yo. Hindi importante kung ikaw ay mayaman, mahirap, o kahit ano pa man. Ang importante ay masaya ka sa paglalaro mo at sa pagbuo mo ng mga relasyon dahil dito.

Masasabi kong malayo pa ang daan na tatahakin ko bilang isang “gamer”, pero ako ay masaya dahil natagpuan ko ang mundo ng esports at gaming, at sa tingin ko, buongbuhay na ito magiging parte ng buhay ko.