Saan aabot ang limang minute mo? Ipinakita ng Thai team na dtac talon sa Group Stages ng AWC 2021 kung paano bumalagbag.

Pinakamabilis na AWC game ang naganap na labanan ng dtac Talon at Overclock

Credit: Cao Thủ Liên Quân

Naging saksi ang AoV fans sa pagiging dominante ng mga liga ng iba’t-ibang bansa tulad na lamang ng Arena of Glory (AOG) ng Vietnam, Garena Challenger Series (GCS) ng Taiwan at RoV Pro League (RPL) ng Thailand.

Itinuturing ang tatlong liga na ito bilang mga top region sa AoV kaya naman malinaw na nakita ang pagkakalayo ng skills at playstyles sa salpukan ng dtac Talon ng RPL at Overclock e-Sports ng Brazil.

Tampok sa game 1 ang pagsalta ng mga bagong heroes ng dalawang kupunan. Kinuha ng dtac Talon ang Toro para kay Eikapong “Tony” Korhonen at Veera naman ang isinelyo ng Overclock na ipinahawak kay Gabriel “ManoFrizer” Oliveira sa nasabing laban na hindi lumampas ng siyam na minuto kung saan nagwagi ang mga Thai.

Hindi naging sapat para sa dtac Talon ang pandudurog sa game 1 kaya naman pagtungtong ng game 2, sabog agad ang Overclock sa ilalim lamang ng limang minuto. Ni hindi nga nabigyan ng pagkakatapong sumuko ang Brazilian team dahil anim na minuto ng playtime ang kailangan bago lumabas ang opsyon na ito.

Perpektong laro ang pinamalas ng Thai team na pinataob ang kalaban sa 17-0 score upang ilista din ang pinakamabilis na laro sa kasaysayan ng Arena of Valor.

Screenshot ni THAO/ ONE Esports

Paano makakabangon ang Overclock mula sa pandudurog na ito?

Credit: Garena

May natitira pang tatlong serye ang Overclock sa Arena of Valor World Cup. Haharapin nila muli ang dtac Talon sa Day 6 ng torneyo at maraming miron ang nag-aabang kung ano ang magiging pagbabago na gagawin ng Brazilian team para makabawi. Paano nila mapipigilan ang Thai team na maulit ang nangyaring ito?

Abangan ang mga susunod na aksyon sa Garena’s official YouTube channels.