Ang WePlay AniMajor ang last stop para sa mga pinakamahusay na Dota 2 teams mula sa iba’t-ibang parte ng mundo bago magsimula ang The International 10. Ito ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa tournament na ito.

Ano ang WePlay AniMajor? 

Credit: WePlay Esports

Ang tournament na ito ang pangalawang Dota 2 Major ng 2021 DPC season, kung saan ang mga top teams mula sa iba’t-ibang parte ng mundo ay maglalaban-laban sa Kyiv, Ukraine mula June 2 hanggang 13, 2021.

Nag-decide ang mga organizers na WePlay Esports at Valve Corporation ng anime theme para sa event.

“Dota 2 and Anime worlds have been connected in the audience’s interests for a long time already,” paliwanag ni WePlay Esports sa isang Reddit AMA

“Think about [how fast] Team Liquid Naruto merchandise series sold out, or the recent Dota 2 anime ‘Dragon’s Blood’ on Netflix. And the most interesting is that the community loves and hates anime simultaneously. The same as the game itself.”

Format ng WePlay AniMajor 

Credit: WePlay Esports

Labing-walong teams mula sa anim na rehiyon ay mapupunta sa Wild Card, Group Stage, at Playoff position base na kanilang DPC season 2 regional league standings.

Wild Card 

Anim na teams ang maglalaban-laban sa isang round-robin format, kung saan ang lahat ng matches ay magiging best-of-two. Dalawang teams ang uusad sa group stage, habang ang mga naiwang teams ay eliminated na.

Group Stage 

Walong teams ang maglalaro sa isang round-robin format, kung saan ang lahat ng matches ay magiging best-of-two. Dalawang teams ang uusad sa upper bracket ng playoffs. Ang pangatlo hanggang pang-anim na teams naman ay magpapatuloy sa lower bracket ng playoffs, habang ang mga naiwang teams ay eliminated na.

Playoffs 

Ang labing-dalawang teams na naiwan ay maglalaban-laban sa isang double-elimination bracket, maliban sa Grand Final na magiging best-of-five na serye.

WePlay AniMajor prize at circuit point pool 

Credit: WePlay Esports

Ang pinakamahusay na Dota 2 teams mula sa anim na rehiyon ay maglalaban-laban para sa tumataginting na US$500,000 prize pool at 2,700 DPC points, na makakatulong sa kanila para mag-qualify sa The International 10.

Qualified teams para sa WePlay AniMajor 

China 

  • Team Aster (TBD) 
  • PSG.LGD (TBD) 

Western Europe 

  • Alliance (Playoffs) 
  • Team Liquid (Group Stage) 
  • Team Nigma (Wild Card) 
  • Team Secret (Wild Card) 

Southeast Asia 

  • TNC Predator (TBD) 

South America 

  • NoPing e-sports (TBD) 

Eastern Europe 

  • Virtus.pro (Playoffs) 
  • Team Spirit (Group Stage) 

(To be updated) 

Saan pwede panoorin ang WePlay AniMajor 

Credit: WePlay Esports

Bagamat sarado ang event sa mga live spectators lamang, maari pa rin itong mapanood sa stream ng Twitch ng WePlay at sa Youtube channels. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang official post ng WePlay Esports.