Nasa top form muli ang TNC Predator matapos masungkit ang pinakaunang spot sa WePlay Animajor para sa Southeast Asian region.

Ang all-Filipino squad na ito ay tinalo ang tournament favorites na Fnatic sa isang back-and-forth DPC 2021 Season 2 Southeast Asia Upper Division match. Nanalo ang Fnatic sa unang laro sa serye matapos makakuha ng comback laban sa TNC.

Nagbabalik ang TNC Predator sa Major Form 

Matapos matalo sa Fnatic sa unang laro, sinagot ito ng Filipino squad sa kanilang stellar Puck performance mula kay Armel “Armel” Tabios. Ang mahusay na midlaner ay nakapag-contribute ng mga game-winning plays na nagbigay sa TNC ng edge sa huling parte ng laro. Tinapos ni Armel ang laro nang may 10/2/16 KDA.

Nag-contribute sa team ang TNC captain na si Marvin “Boomy” Rushton sa pamamagitan ng kaniyang mga maraming stuns kay Snapfire. Habang nagkaroon siya ng Shard upgrade ni Aghanim, ginamit ni Boomy ang Gobble Up ability sa isang Centaur Conqueror at na-stun niya ang tatlong Fnatic heroes sa loob ng Rosh Pit, at ito ang nagbigay ng panalo para sa TNC.

Nag-contribute sa team ang TNC captain na si Marvin “Boomy” Rushton sa pamamagitan ng kaniyang mga maraming stuns kay Snapfire. Habang nagkaroon siya ng Shard upgrade ni Aghanim, ginamit ni Boomy ang Gobble Up ability sa isang Centaur Conqueror at na-stun niya ang tatlong Fnatic heroes sa loob ng Rosh Pit, at ito ang nagbigay ng panalo para sa TNC.

Nagpakita ng bagong draft playstyle ang TNC Predator 

Sa pangatlo at huling laro ng serye, in-outdraft ng TNC Predator ang Fnatic sa pamamagitan ng pagpili kay Bristleback para kay Armel si Ursa para kay Kim “Gabbi” Villafuerte. Dahil sa kanilang dalawang tanky cores at ang offlane Enigma ni Jun “Bok” Kanehara, hindi na nakalaban pa ang Fnatic sa mga carry heores ng Filipino squad, kahit na nandoon ang Drow Ranger ni Marc “Raven” Fausto.

Tinapos ni Bok ang serye ng may double-Black Hole sa loob ng base ng Fnatic, at dahil dito nakuha ng TNC Predator ang kanilang pinakamalaking panalo sa season.

Ang possible outcomes sa DPC 2021 Season 2 Southeast Asia Upper Division 

Ang sweep win ng TNC Predator laban sa Fnatic ay naglagay sa kanila sa tuktok ng DPC 2021 Season 2 Southeast Asia Upper Division standing sa kanilang 5-2 record. Ang panalong ito ay binigyan din sila ng spot sa paparating na WePlay AniMajor tournament.

Ang huling laro ng DPC 2021 Season 2 Southeast Asia Upper Division sa pagitan ng OB.Neon at T1 ang magpapasya ng tadhana ng limang teams na nasa top ng standings. Kung mananalo ang T1, kailangan maglaro ng isang tiebreaker match ang TNC Predator laban sa kanila para malaman kung sino ang uusad sa Playoffs. Kung ang OB.Neon naman ang mananalo, malo-lock sa isang four-way tie ang T1, Execration, Fnatic at OB.Neon, dahil ang lahat ng teams na ito ay may 4-3 records.

Paanorin ang labanan ng OB.Neon sa T1 sa May 20, 6:00 p.m. GMT+8. Panoorin ang huling match ng DPC 2021 Season 2 Southeast Asia Upper Divison sa official Twitch at YouTube channels ng PGL.