Tuloy-tuloy na ang mga bakbakan para sa mga huling tiket patungong The International—ang regional qualifiers.

Dalawang koponan na lang mula sa rehiyon ng China at Western Europe ang kulang upang tuluyang mabuo ang 18 teams na maglalaban-laban sa pinakamalaking Dota 2 tournament ng taon na nagtatampok ng higit US$40 million na prize pool.

Sa mga susunod na araw, tuluyan nang malalaman kung sino ang magwawagi sa TI10 CN qualifier at sasama sa PSG.LGD, Invictus Gaming, Vici Gaming, at Aster upang maging kinatawan ng bansa.

Ano nga ba ang TI10 CN Qualifier?

The International 10 Wallpaper
Credit: Valve

Ang CN qualifier ay ang huling pagkakataon ng mga koponan sa nasabing rehiyon, na hindi nakaipon ng sapat na DPC points para maging directly qualified, upang makapasok sa The International 10.

Schedule at resulta ng TI10 CN Qualifier

Dota 2 The International 10

Magsisimula ang bakbakan sa upper at lower brackets sa ika-pito ng Hulyo, at ito’y magtatapos sa grand final sa ika-10 ng Hulyo, kasabay ng TI10 WEU Qualifier.

Ito ang schedule at pinakabagong resulta ng mga laban. Lahat ng oras at araw ay GMT+8.

Hulyo 7 (Miyerkules)

  • Upper Bracket — Elephant 2 — 0 Team MagMa
  • Upper Bracket — LBSZ 0 — 2 Royal Never Give Up
  • Upper Bracket — Phoenix Gaming 1 — 2 Sparking Arrow
  • Upper Bracket — Aster.Aries 0 — 2 EHOME

Hulyo 8 (Huwebes)

  • Lower Bracket — Team MagMa 2 — 1 CDEC Gaming
  • Lower Bracket — Aster.Aries 2 — 0 Xtreme Gaming
  • Upper Bracket — Sparking Arrow Gaming 0 — 2 EHOME
  • Lower Bracket — LBZS 0 — 2 Team MagMa
  • Upper Bracket — Elephant 2 — 1 Royal Never Give Up
  • Lower Bracket — Phoenix Gaming 1 — 2 Aster.Aries

Hulyo 9 (Biyernes)

  • Lower Bracket — Sparking Arrow 0 — 2 Team MagMa
  • Lower Bracket — Royal Never Give Up 2 — 0 Aster.Aries
  • Upper Bracket — Elephant 1 — 2 EHOME
  • Lower Bracket — Team MagMa 2 — 1 Royal Never Give Up

Hulyo 10 (Sabado)

  • Lower Bracket Finals — Elephant 2 — 0 Team MagMa
  • Grand Finals — EHOME 1 — 3 Elephant

Format ng TI10 CN Qualifier

10 na koponan ang magsasalpukan sa double-elimination bracket. Lahat ng laro ay best-of-three, liban sa grand final na best-of-five.

Mga kalahok sa TI10 CN Qualifier

Elephant Somnus M lalahok sa TI10 CN Qualifier
Credit: Valve

Lahat ng koponang lumaban sa DPC Season 2 ngunit hindi naka-qualify sa TI10 ay makakasali sa CN qualifier, kung hindi sila nagpalit ng higit dalawang manlalaro sa kanilang roster bago matapos ang nasabing season.

Naka-seed ang mga koponan base sa nakalap nilang DPC points at standing sa ikalawang season ng DPC.

Mga koponan mula sa Upper Division

  • Elephant
  • EHOME
  • Royal Never Give Up
  • Sparking Arrow Gaming

Mga koponan mula sa Lower Division

  • Phoenix Gaming
  • LBZS
  • Aster.Aries
  • Team MagMa
  • CDEC
  • Xtreme Gaming

Saan mapapanood ang TI10 CN Qualifier

Credit: BTS Dota2

Maaaring subaybayan ang English broadacast ng bakbakan sa Twitch channels ng BeyondTheSummit: