Ang tanging kinatawan ng Southeast Asia na T1 ang nagtagumpay sa ESL One Summer 2021, isang non-Dota Pro Circuit tournament na kinabibilangan ng mga teams mula Europe at North America.

Ilang araw matapos matuldukan ang kanilang kampanya sa WePlay AniMajor sa ikatlong puwesto, hinirang naman na kampeon sa naturang torneo ang koponang pinangungunahan ni Carlo “Kuku” Palad para masungkit ang kauna-unahang Dota 2 championship title ng organisasyon.

Nagawang makabanse ng T1 kontra Virtus.pro sa grand finals, 3-2, matapos talunin ng nasabing finals nang sila’y magharap sa upper bracket finals, upang makapag-uwi ng US$ 175,000 na prize money.

T1 Dota 2 ESL One Summer 2021 Champions
Credit: ESL Dota2

Na-unlock ng T1 ang full potential ni 23savage

Bilang isa sa mga player na nakakuha ng 12,000 MMR, wala nang duda sa potensyal ni Nuengnara “23savage” Teeramahanon na makapaglaro sa pinakamataas na lebel ng kompetisyon.

Pero sa huling pagpapakitang-gilas ng T1 sa ESL One Summer 2021, napatunayan ng Thai superstar na may itataas pa ang kanyang skill ceiling.

Ipinamalas ng 19-taong-gulang na carry ang kakayahan niyang pangunahan ang kanyang koponan sa late game patungo sa panalo, katulad ng ginawa niya sa bakbakan kontra Virtus.pro.

Nagtala ng 11/1/7 kill-death-assist scoreline ang Phantom Assassin ni 23savage sa larong ito, sa tulong na rin ng Indonesian support duo nina Kenny “Xepher” Deo at Matthew “Whitemon” Filemon.

Master Kuku: Captain na, offlaner pa!

Position-five support ang pangkaraniwang role na itinatalaga para sa mga in-game captains upang mas matutukan nila ang makrong aspeto ng laro.

Pero ibahin ninyo si Kuku. Taliwas sa mga nakasanayang mga kapitan, pinili ng tanyag na Pinoy player na pagsabayin ang responsibilidad ng in-game leader at offlaner.

Bukod sa kanyang in-game sense at mechanical skills, na parehong kinakailangan upang makapag-initiate ng team fights, bakas din sa mga pinapasok na gera ng kanyang koponan ang kanyang mataas na in-game IQ.

Nanguna ang kanyang Axe sa ika-apat ng mapa ng grand finals. Walang nagawa ang top seed ng DPC Eastern Europe Season 2: Upper Division kung hindi sagutin ang kanyang mga Berserker’s Call para tapusin ang laro na may 12/5/4 KDA, at 30.3k damage dealt na mas mataas pa kumpara sa Lifestealer ni 23savage.

Ipinamalas ng T1 ang kanilang galing sa patch 7.29d

Outdrafted at outplayed ang Virtus.pro kontra T1 sa do-or-die game five ng grand finals.

Muling inilabas ng Southeast Asian squad ang kanilang mga comfort picks, katulad ng Nyx Assassin ni Xepher, na binago ang takbo ng laro matapos makapag-Aghanim’s Scepter.

Nagawa nitong iligtas ang malambot na Leshrac ni Karl Matthew “Karl” Baldovino, salamat sa pinahabang range ng Impale at Spiked Carapace.

Hindi rin magawang patayin ng koponan mula Eastern Europe ang nakabaong Nyx Assassin dahil sa 50% damage reduction at 1.5% health at mana regeneration bonus na bigay ng Scepter ability.

Sa tulong na rin ng samu’t saring stuns mula sa mga heroes ni Karl at Xepher, isama pa ang Chronosphere ng Faceless Void ni 23savage at Chaotic Offering ng Warlock ni Whitemon, nagawang ipako ng koponan ang kanilang panalo sa tulong ng malupit na team fight execution.


T1 pasok sa The International 2021
Credit: T1

Sa kabila ng kanilang tagumpay sa ESL One Summer 2021, naging matunog ang pangalan ng T1 bilang isa sa mga koponang dapat katakutan sa paparating na The International 10.

Kabilang ang koponan sa 12 directly qualified teams para sa The International 2021.