Ang laban ng Quincy Crew at Team Blan N Yellow sa Week 2 ng DPC Upper Division North America Season 2 Group Stage ay nagpakita ng isa sa pinakamagaling na comebacks na nakita namin ngayong taon.

Sa unang half ng Game 1, kontrolado ng Team Black N Yellow ang tempo ng laro at nagkaroon ng networth lead sa Quicy Crew. 

Hindi ginawang madali ng Storm Spirit ni Jose Esau “esK” Perez Coronel ng Black N Yellow ang laro para sa mga support ng Quincy, habang ang Wraith King ni Jacky “EternaLEnVy” Mao ay sinisira na ang Radiant barracks. 

Matapos mawala ang kanilang barracks sa 44-minute mark, nagmukhang tapos na ang laban para sa Quincy Crew. 

Sa isang typical na laro sa Dota, kapag nawala na ng isang team ang kanilang barracks at kailangan na nilang labanan ang mga mega creeps, ilang oras na lang at malalamon na sila o mawawala na ang Ancient nila.

Pero nilabanan ng Quincy Crew ang tadhana sa larong ito at lumaban muli. 

Sa bawat pick off, tumaas ang networth ng mga heroes ng Quincy Crew at nakapulot sila ng importanteng items na nagpawalang-bisa sa backline Storm Spirit play ni esK. Ngayon ang Black N Yellow na ang nasa depensa kahit na mayroon silang mega creep advantage. Nasira ang kanilang burst strat. 

Sa ika-66 na minuto ng laro, nakuha na ng Quincy ang momentum. Kailangan mag-play out ng perpekto ang laro para sa Black N Yellow kung gusto nilang mabuhay pa sa paparating na pagsalakay sa kanila. Ngunit handa ang Quincy para sa teamfight at halos nakuha na ang Dire base. Imposible nang taluning ang kanilang heroes dahil sila ay nakaipon ng 80k networth lead.

Kinailangan gumawa ng kritical na game-deciding na desisyon si EternalEnvy. Sa isang huling tangka para tapusin ang laro, nag-teleport siya sa base ng Quincy Crew at tinuunan ng pansin ang Ancient.

Sa isang tila-nakakatawang laro ng keep away, ginawa ng lahat ng Quincy Crew para hadlangin ang paglusob ni Envy. Pero natapos ito sa pagtanggi ni Avery “SVG” Silverman (o LoA para sa match na ito) ng panalo si Envy. Suot-suot ang Ballista, paulit-ulit ni-knock out of range ni SVG si Envy gamit ang mga right clicks niya, para hayaan ang kanyang teamamtes na pumasok at tapusin ang paghahari ng king.

Kung hindi mo napanood ito sa game nang live, pwede mo itong panoorin sa Offical Twitch Stream. Pangako namin, hindi ka mabibigo.