Ang DPC ay nagpapatuloy sa Europe kung saan tinalo ng Team Liquid ang Team Nigma sa score na 2-1 sa Week 2 ng DreamLeague Season 15 upper division.

Nakuha ng Team Liquid ang kanilang unang series win sa buong season sa pamamagitan ng paggamit ng Warlock position 5 support hero sa lahat ng games. Ipinakita ng Team Liquid captain, Aydin “iNSaNiA” Sarkohi, kung paano i-maximize ang abilities ng Warlock sa mga kritikal na team fights.

Bilang pinakamalambot na hero sa Team liquid, nanatili sa likod si iNSaNiA at naghintay na manguna ang kanilang mga core heroes. Nang mahuling magkakadikit ang mga heroes ng Team Nigma, ginamit ni iNSaNiA ang Fatal Bonds at Chaotic Offering para tapusin ang Game 1.

Sa huling game laban sa Team Nigma, nag-iba ng item build ang Warlock ni iNSaNiA. Sa naunang 2 games, inuna niyang buuin ang Veil of Discord na nagdadag ng 18% sa spell damage. Pinapalakas din nito ang bawas ng Fatal Bonds, na nagdulot ng napakasakit na hero damage sa team fights.

Dota2 Team Liquid vs Team Nigma Game 3 Fight Stats
Credit: DreamLeague (iNSaNiA does 1,995 damage)

Subalit sa Game 3, nag-focus si iNSaNiA sa pagbuo ng mga support items tulad ng Arcane Boots at Glimmer Cape. Pinabagal nya rin ang Team Nigma sa pamamagitan ng Upheaval sa mga chokepoints o sa tuwing magkakaroon ng team fights.

Mahusay ang ipinakita ng mga core heroes ng Team Liquid, pero dapat lang na bigyan ng pansin ang support ni iNSaNiA. Napakagaling ng pagkakabasa niya sa ability usage ng Team Nigma dahil nagawa niyang counter-in ng Chaotic Offering ang bawat bitaw ni Centaur Warrunner ng Stampede.

Nagamit din ang Fatal Bonds ng Warlock para makita ang direksyon ng pagtakas ng Team Nigma, na nagging daan para mahabol at mapitas sila nila Max “qojqva” Bröcker at Samuel “Boxi” Svahn.

Player report card: iNSaNiA

  • Heroes played: Warlock
  • Average KDA: 2.67/6.67/20.67
  • Average Networth: 8.6k
  • Average GPM/XPM: 311/362
  • Average Heals: 18.8k

Ang panalong ito ng Team Liquid ang naglagay sa kanila sa ikalawang pwesto sa kasalukuyang DPC EU Season 2 standings na may 1-1 record. Susunod na kakaharapin nila ang Brame sa simula ng Week 3 ng DPC EU Season 2 upper division.