Nanalo ang Team Liquid sa pinaka-importanteng match ng DreamLeague Season 15 DPC Western Europe Upper Division kung saan tinalo nila ang two-time TI champions na OG para maagaw ang slot nila sa Group Stage sa WePlay AniMajor.

Ang istorya sa match ay kung gaano kalaki ang ininmprove ni Syed “Sumail” Hassan kasama ang Team Liquid simula nang sumali siya sa team bilang isang stand-in, habang wala pa sa lineup si Samuel “Boxi” Svahn dahil siya ay nagpahinga para sa mid-season.

Patuloy na na-iimprove ang Team Liquid kasama si SumaiL 

Pinanalo ng core players ng Liquid ang kanilang lanes nang maaga sa Game 1. Dahil dito nabigyan nina Aydin “iNSaNiA” Sarkohi at Tommy “Taiga” Le ng maagang lead ang team.

Matapos maglaro ng offlane role nang tatlong linggo habang kinuha ni SumaiL ang midlane, nag-improve si Maximilian “qojqva” Brocker sa pagiging position 3 player ng team. Na-cliff pa niya ang hard carry ng OG para makakuha nang mabilisang fight win para sa team niya.

Sinubukang lumaban ng OG, ngunit natatalo sila sa Liquid matapos mahuli nang 13,000 gold at 20,000 experience points sa katapusan ng Game 1. Habang naubos na ang buybacks ng kalaban, sinugod na ng Liquid ang Radiant base at pinanalo ang laro.

Sinubukang lumaban ng OG, ngunit natatalo sila sa Liquid matapos mahuli nang 13,000 gold at 20,000 experience points sa katapusan ng Game 1. Habang naubos na ang buybacks ng kalaban, sinugod na ng Liquid ang Radiant base at pinanalo ang laro.

Tapos nakakuha ng easy Game 2 victory ang Liquid sa kanilang mahusay na offlane Broodmother performance mula kay gjoqva na tinapos ang laro nang may 12/0/15 KDA.

Tinapos ng Team Liquid ang four-way tiebreaker 

Dahil sa 2-0 panalo ng Team Liquid laban sa OG, naiwasan ang four-way tie sa DreamLeague Season 15 DPC Western Europe Upper Division sa pagitan ng Team Liquid, Team Nigma, Team Secret, at OG na magkakaroon dapat ng 4-3 records. Sa halip niyan, ang panalo ng Liquid ay naglagay sa kanila sa second place, at sila ay nabigyan ng slot sa Group Stage sa paparating na WePlay AniMajor.

Mga Western European teams na nag-advance sa WePlay AniMajor 

Credit: WePlay
  • First place — Alliance (Playoffs Stage) 
  • Second place — Team Liquid (Group Stage) 
  • Third place — Team Nigma (Wild Card) 
  • Fourth place — Team Secret (Wild Card)