Inanunsyo ng Fnatic Dota ang pagkakatanggal ni Kam “Moon” Boon Seng sa kanilang active roster, Miyerkules ng gabi.

Today we announce that Kam "Moon" Boon Seng moves to our inactive roster, allowing him to explore his options and pursue…

Posted by Fnatic Dota on Wednesday, June 2, 2021

“Today we announce that Kam “Moon” Boon Seng moves to our inactive roster, allowing him to explore his options and pursue new opportunities,” ayon sa post ng koponan.

Dagdag ng Fnatic, gagamitin nila ang pag-alis ng Malaysian player upang ihanda ang kanilang bagong roster para sa paparating na regional qualifiers ng The International 10.

Fnatic Dota, MIA sa WePlay AniMajor

Bigong makalahok sa WePlay Animajor ang Fnatic matapos silang talunin ng Execration, 2-0, sa 3rd-4th place tie-breaker ng Dota Pro Circuit 2021: Season 2 – Southeast Asia Upper Division.

At dahil 525 points pa lang ang kanilang naipon matapos ang dalawang Dota Pro Circuit season, ang tanging tsansa na lang ng Fnatic na makatungtong sa Stockholm, Sweden mula sa Southeast Asia qualifier.


Pinasalamatan naman ng Fnatic ang 26-year-old na isa sa mga naging susi ng kanilang sunod-sunod na panalo noong kasagsagan ng mga online tournaments.

Matatandaang humakot ng first-place finish ang Fnatic Dota, kasama si Moon, noong 2020 sa Dota Summit 12, ESL One Los Angeles 2020 – Online: Southeast Asia, BTS Pro Series: Southeast Asia, at ESL One Birmingham 2020 – Online: Southeast Asia, at second-place naman sa ONE Esports Dota 2 SEA League.

Samantala, magbibigay daw ng anunsyo ang Fnatic Dota kung sino ang papalit kay Moon sa kanilang active roster.