Isa si Keeper of the Light sa mga hero na sumikat paglapag ng Dota 2 patch 7.30.

Kasabay nina Night Stalker, Omniknight, Beastmaster, at Earthshaker, muling tumaas ang pick rate ng naturang hero sa professional scene. Ang kaibahan nga lang ngayon, hindi lang ang dating support role ang kanyang ginagampanan dahil viable na rin siya bilang mid hero.

Ito ang guide sa item build, skill build, at talent choices para sa mid Keeper of the Light.

Bakit nilalaro na sa mid si Keeper of the Light?

Credit: Valve

Mas mabilis na ang channel time ng Illuminate sa matataas na level

Na-rescale ang channel time ng Illuminate sa tatlong segundo sa lahat ng levels. Kumpara noong bago lumapag ang Dota 2 patch 7.30, mas maiksing oras na ang kailangan hintayin ngayon para ma-achieve ang max damage ng nasabing skill.

Dahil dito, mas efficient na mag-farm si Keeper of the Light sa early game, at mas ramdam na rin ang Illuminate, maging heal man sa mga kakampi o damage sa kalaban, sa team fight.

Mas mabilis na ang cooldown ng Chakra Magic

Pinababa rin sa Dota 2 patch 7.30 ang cooldown ng Chakra Magic. Bukod kasi sa dagdag mana, binabawasan din nito ang cooldown ng mga skill. Sakto ang buff na ‘to sa pagkaka-rescale ng channel time ng Illuminate.

Interesting din ang konsepto ng Chakra Magic dahil sa lahat ng source ng cooldown reduction sa laro, ito lang ang nagbabawas ng cooldown sa fixed na amount. Ibig sabihin, kaya nitong tanggalin na lang ang cooldown ng mga skill na mas maiksi sa anim na segundo (sa level four ng skill na ‘to) ang cooldown. 

Mas mabilis na ang cooldown ng Spirit Form

Noong patch 7.29c na-set sa 70 segundo ang cooldown ng ultimate ni Keeper of the Light na Spirit Form sa lahat ng level, kasabay ng pagpapataas sa damage as heal percentage ng Illuminate habang naka-SS. Gayunpaman, isa pa rin ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit mas magandang mid hero na ito ngayon.

Dahil fixed din ang duration ng Spirit Form, 30 seconds na lang, kung tutuusin, ang talagang cooldown nito. Sa ganito kaiksing oras, mataas ang tsansa na pwede gamitin ni KotL ang kanyang SS tuwing team fight.

Skill build ng mid Keeper of the Light

Mid Keeper of the Light Dota 2 Guide
Credit: Valve

Dahil wala nang ibang hero na kailangan suportahan sa lane si Keeper of the Light ngayon, mas mainam na unahing i-max out ang Illuminate para mas mabilis makapag-clear ng creeps waves o neutral camp stacks sa early game.

Maglagay ng dalawang points sa Chakra Magic sa level two at four, saka kunin ang Spirit Form sa level six, at sa mga susunod na levels na pwede itong palakasin.

Sa professional scene, kumukuha ang mga gumagamit ng mid KotL, gaya nina Leon “Nine” Kirilin ng Tundra Esports at Karl Matthew “Karl” Baldovino ng T1, ng value point sa Solar Bind sa level eight o nine—kung kelan maxed out na ang Illuminate—bago ituloy ang pagpapa-level sa Chakra Magic.

Mahalaga ang value point sa Solar Bind dahil tapos na ang laning phase at mas madalas na ang mga team fight sa ganoong level. Bukod kasi sa movement speed slow per distance moved nito, may magic resistance reduction din ang malalagyan nito.

Item build ng mid Keeper of the Light

Mid Keeper of the Light Dota 2 Item Builds
Credit: Valve

Gaya noong nakakahon lang bilang support si Keeper of the Light, maraming item ang pwedeng bilhin para sa kanya. Ituring ang mga suhesitiyong ito bilang gabay sa kung ano nga ba ang pwedeng bilhin dahil maaaring iba-iba ang kailangan sa bawat sitwasyon.

Null Talisman: Dahil hindi na kailangan bumili ng bote, salamat sa Chakra Magic, madalas makita sa pro scene ang tatlong Null Talisman bilang early game item para kay KotL. Nagbibigay kasi ito ng dagdag 3% spell damage na nagpapalakas sa Illuminate bukod pa sa base stats nito.

Boots of Travel: Nama-maximize ng Boots of Travel ang lakas ni KotL sa mga team fight dahil hinahayaan siya nitong makaresponde saan man ito mangyari. Solid din ito para sa hero na kilala bilang ang may pinakamabilis na base movement speed sa buong laro.

Dagon: Bibihira ma-consider bilang meta item ang Dagon dahil masyado itong mahal, pero hindi ito issue para kay KotL na mabilis mag-farm. Nagko-complement din ang mataas na burst damage nito sa Illuminate na pwedeng i-spam para pumunit ng mga support.

Blink Dagger: Importante ang positioning sa team fight para sa epektibong mid KotL. Sa mga pagkakataon kasi na hindi kaya mapangtakas o mapanghabol ang mataas na movement speed ng hero, dito kailangan ang Blink Dagger.

Octarine Core: Bagay ang parehong components ng Octarine Core na Aether Lens at Soul Booster para kay KotL. Malaki rin ambag ng 25% cooldown reduction na binibigay ng item para mas masulit hindi lang ang Spirit Form, kung hindi pati na rin ang mga basic abilities nito.

Ethereal Blade: Burst magic damage ang puhunan ng mid KotL kaya’t marapat lang ito bilhan ng item na nagbibigay ng magic resistance reduction. Mabisa rin ito bilang pangontra sa mga melee right-click carry na posibleng makadikit sa hero.

Lotus Orb: Kung kakailanganin ng defensive item, isa ang Lotus Orb sa mga pangunahing choice para kay KotL. Sulit ang stats na binibigay nito, bukod pa sa active ability nitong Echo Shell na nagdi-dispel at nagre-recast ng mga targeted spells.


Talent choices para sa mid Keeper of the Light

Mid Keeper of the Light Dota 2 Guide Talent Choices
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Noong 7.29 pa huling nabago ang mga talent choice para kay Keeper of the Light pero dahil ibang role na ang kanyang pinupunan ngayon, marapat lang na bisitahin kung aling talent nga ba ang mas maganda para sa kanya ngayon.

Level 10: +20 Movement Speed o +30% Blinding Light Miss

Malambot at walang panakas na skill ang naturang hero at nagre-rely lang ito sa natural na mabilis na movement speed para sa mobility kaya’t mas mainam na kunin ang +20 movement speed.

Kaya lang din kasing tanggalin ng kahit anong source ng dispel ang Blinding Light miss o i-counter ng Monkey King Bar. Bukod pa ito sa katunayan na maaari lang gamitin ang nasabing ability tuwing active ang Spirit Form.

Level 15: 2 Solar Bind Charges o -4s Chakra Magic Cooldown

Kung ang tanging rason para kunin ang 2 Solar Bind Charges ay para magkaroon ng mas maraming hero na naka-Solar Bind sa mapa, mas mainam na lang na kunin ang -4s Chakra Magic Cooldown.

Sa tulong kasi ng cooldown reduction mula sa Chakra Magic, kaya rin magkaroon ng dalawang hero na naka-Solar Bind sa isang pagkakataon dahil sa seven-second duration nito. Mas mataas ang overall value na makukuha sa ikalawang talent choice.

Level 20: Chakra Magic Dispels o +15s Spirit Form Duration

Isa sa mga rule of thumb sa pag pili ng talent ay kung kaya ito gawin ng isang item, ‘wag mo na itong piliin. At dahil magandang item para kay KotL ang Lotus Orb, na may kakayahang mang-dispel, mas magandang choice ang +15s Spirit Form Duration.

Bukod dito, dapat din tandaan na may mga dagdag na ability at effects na ibinibigay ang Spirit Form gaya ng heal at kakayahang gumalaw habang nagtsa-channel ng Illuminate, pati na rin Blinding Light. Kung mas matagal kang nasa Spirit Form, mas mataas ang potensyal na mas malaki ang matulong mo sa team fight.

Level 25: +180 Illuminate Damage o +1.2s Blinding Light Stun

Sa professional scene, madalas ipares ang mid KotL sa draft na puno ng crowd control para mas madaling mapatama ang Illuminate.

Kung puno na ng stun ang lineup niyo, mas okay na kunin na lang ang extra firepower ng Illuminate. Bukod kasi sa dagdag damage, pumapatong din sa talent choice na ito ang heal, na maaaring makatulong sa late game.


Tandaan din na ‘wag ikahon ang paglalaro kay Keeper of the Light sa mga proper build. Gawin lamang itong gabay kung gusto mong subukan ang mid Keeper of the Light sa Dota 2 patch 7.30.