Ang kadalasang pangarap ng mga gamers sa competitive gaming ay ito: gusto nila maging magaling para maging pro. Tayo ay kakayod nang kakayod, susubukan natin gumaling at umakyat sa mga ranks para makarating sa tuktok ng pyramid, kung saan hinahasa ng mga pinakamahusay na esports pros ang kanilang mga skills.

Ang karamihan ng mga pinapalabas na players ng ONE Esports ay ang mga players na may narating na at nakikipaglaban sa mga pinakamahusay na players sa mundo. Ngunit mayroong mga players na kasinggaling naman nila at kumakayod din, pero hindi na nakamit ang pangarap na maging pro player dahil sinabihan silang maghanap ng mas stable na career opportunities.

Ito ang kwento ni Julian Chee, isa sa mga bagong Business Analyst ng ONE Esports. 

Nabighani si Julian sa mga laro simula bata pa lang sya. Siya ay naglalaro ng mga MMORPG games tulad ng Ragnarok at Maplestory, ngunit ang totoong passion niya ay ang mga competitive na laro tulad ng Dota at Counter-Strike.

“What really intrigued me with Dota is just how high the skill cap was. You could be playing Dota for 10 years, but you might not still understand the game,” sabi ni Julian.

Habang umaakyat si Julian sa Dota 2 leaderboards, napagtanto niya na mas natutuwa sya kapag nakipaglaro siya laban sa mga mas magaling na players kumpara sa paglalaro kasama ang mga kaibigan nya.

“I really wanted to dive deeper into the game to understand the mechanics at the highest level and learn the intricacies of the game. This is when I grinded solo MMR and climbed the leaderboard. This was the time when I enjoyed playing the game every single day.”

Inilarawan ni Julian ang kanyang sarili bilang isang napaka-competitive na tao, at ang paglaro sa mga high ranked matches ay ang perpektong paraan para subukan nya ang kanyang mga kakayahan. “It became a platform for me to unleash my competitive spirit,” paliwanag nya.

Nirepresenta ni Julian ang Singapore sa National Youth team sa bandminton noon. Ngunit noong umalis na sya sa team, kinailangan nyang maghanap ng iba pang outlet para mailabas ang kanyang competitive side. Dito na nagsimula si Julian maglaro ng Dota na tumatagal ng 17 na oras sa isang araw.

Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, nakamit ni Julian ang 6,044K MMR noong 2015 at napunta sya sa 117th spot sa Dota 2 SEA regional leaderboard.

Natamaan naman ni Julian ang kanyang peak MMR na 6,900 sa sumunod na taon. Ito ay katumbas ng Immortal ranking sa Dota 2, kung saan hinahanay ang mga pro players. Mataas rin ang ranking ni Julian sa CS:GO noon, matapos niyang makamit ang Legendary Eagle Master rank.

Credit: Julian Chee

Naalala pa nya ang mga ranked games nya laban ang dating TI5 champion na si Sumail “SumaiL” Hassan. “Matches against high-level pro players happen so fast. If you TP two to three seconds late, a team fight could be lost. I even remember playing with TI3 champion Gustav “s4” Magnusson, who would call the shots for the team. I wasn’t a pro player, so I would always just listen and learn from them,” sabi ni Julian.

Habang kalaro nya ang mga world class na esports athletes na ito, natutunan ni Julian ang pinagkaiba sa bilis ng laro kapag professional players ang kasama nya. “To me, it may not make any sense, but I would just do it. Then you’d suddenly see a smoke gank break out, and then you’re immediately there to defend your carry. The speed of the game took me by surprise.”

Ang pangalawang natutunan ni Julian sa pakikipaglaro laban ang mga pros na ito ay kung gaano sila kahusay sa paglalaro. “I remember playing Puck against SumaiL’s Queen of Pain in the midlane. I should have had the matchup advantage, but he was able to reach level 6 while I was still level 4.”

Ang karanasan na ‘yon ay nagpakita kung gaano kaimportante ang pagiging masipag kung nais mong maging kalebel ng mga pinakamahusay na esports players sa mundo. Noong panahong ito, naghahanda na si Julian para pumunta sa university, at ito ay naghadlang sa kanya sa paglalaro. Pinayuhan sya ng kanyang mga magulang na tahakin ang mas conservative na career path at pasukin ang banking sector.

Naging mapalad si Julian sa kanyang professional career at siya ay nakapasok siya bilang isang Global Markets Analyst sa isa sa mga pinakamalaking investment banks sa mundo, ang Goldman Sachs.

Matapos ang isa at kalahating taon sa Goldman Sachs, nag-desisyon si Julian na ibahin ang career path niya at kumuha siya ng trabaho bilang Business Analyst sa ONE Esports. “I wanted to wake up feeling excited every day,” sabi ni Julian. “I saw it as a risk worth taking while I’m still young because if not now, then when.”

Sa kabila ng kaniyang success sa kaniyang field, hindi pa rin nawala ang passion ni Julian para sa esports. Patuloy niyang sinusubaybayan ang esports at nanatili siyang naging parte ng gaming at esports community bilang isang avid fan, at ito ang naging daan para makakuha sya ng trabaho sa ONE Esports. 

“I want to contribute to the growth of the gaming industry such that it is big enough that the younger generations will not have to give up on their dreams and pursue other more conventional paths like how I did.”