Naglapag ang Valve ng isa pang balance patch sa season 2 ng regional Dota 2 Pro Circuit leagues. Ito ang tatlo sa pinakamalaking pagbabago sa Dota 2 patch 7.29c: 

Beastmaster 

Screenshot ni Danelie Purdue/ONE Esports


Wild Axes 

  • Hindi na nagbibigay ng bonus damage ang Aghanim’s Scepter 

Inner Beast 

  • Tumaas ang attack speed mula sa 10/20/30/40 patungong 15/25/35/45 

Talents 

  • Tumaas ang level 15 Talent mula sa +300 Health Beastmaster Controlled patungong +350 
  • Tumaas ang level 20 Talent mula sa +30 Boar Damage patungong +35 
  • Bumaba ang level 20 Talent mula -35s Primal Roal Cooldown patungong –30s 

Hindi na nakakagulat na ang Beastmaster ang pinakanatamaan sa 7.29c. Hindi na makakatanggap ng bonus damage ang Wild Axes kapag inupgrade kasama ang Aghanim’s Scepter.

Ngunit nakatanggap naman siya ng onting buffs sa ibang departamento tulad ng kanyang Inner Beast aura at ibang talents para mabawi ang pagbawas ng kanyang damage. Ngayon ang tanong ng lahat, na-balance na ba sa wakas si Beastmaster?


Puck

Screenshot ni Danelie Purdue/ONE Esports

Dream Coil 

  • Tumaas ang cooldown mula sa 80/75/70 patungong 80 
  • Bumaba ang break damage mula sa 300/400/500 patungong 200/300/400 (Scepter sa 300/450/600) 

Nanatili pa din na sikat sa mga pros, ang Puck ay nakatanggap ng dalawang nerfs sa Dream Coil sa patch 7.29c. Ngayon ay 80 na segundo na ang cooldown sa lahat ng levels, ang pagwasak kay Coil ay magdudulot ng damage na bawas ng 100 sa lahat ng levels, kasama na ang upgraded version ng Aghanim.

Hindi natin nakikitang nalalaos ang faerie dragon sa Coil nerf, ngunit ang mga Puck players ay dapat maging mas maingat sa paggamit ng Coil dahil mas malaki ang window for punishment nito ngayon.


Dawnbreaker

Screenshot ni Danelie Purdue/ONE Esports

Base stats 

  • Bumaba ang agility mula sa 20 + 2.4 patungong 14 + 1.7 

Celestial Hammer 

  • Tumaas ang manacost mula sa 110 patungong 110/120/130/140 

Talents 

  • Bumaba ang level 10 Talent mula sa +8 Strength patungong +7 

Bagamat wala pa ito sa Captain’s Mode, mukhang ang Dawnbreaker ay tilang napakalakas sa pub play.

Maliban sa malaking pagbawas ng kanyang base Agility at pagbaba ng kanyang strength talent ng isang point, ang mga Dawnbreaker mains ay kailangan nang maglabas ng mas maraming mana para makapag-cast ng Celestial Hammer.