Nagbalik na sa pagkapanalo ang Team Secret, ito ay matapos nilang makuha ang kanilang unang match win sa DPC Europe season 2 upper division laban sa Hellbear Smashers sa simula ng Week 2.

Pinasiklaban ng star midlaner ng Team Secret, na si Michal “Nisha” Jankowski, ang katapat nito sa midlane na Queen of Pain ng Hellbear Smashers nang mauna syang makarating sa level 6. Pagka-online ng Primal Roar ni  Beastmaster, winasak ni Nisha ang katapat nyang si Daniel “Stormstormer” Schoetzau, dahilan ng kaniyang tatlong kills sa unang walong minuto pa lang ng game.

Nagmamadali namang bumuo si Nisha ng Aghanim’s Scepter na kaniyang natapos sa pag pitik ng 12-minute mark. Sinimulan niyang mag-spam ng Wild Axes sa bawat target na makita, at dahil nga sa Aghanim’s Scepter upgrade, walang cooldown ang ability na ‘to.

Dahil sa upgrade, tumaas ang damage at nabawasan din ang mana cost ng ability. Sa kabila ng pagiging isang melee hero, ginamit ni Nisha na ranged damage dealer na tila glass canon ang kanyang Beastmaster. Kumuha din sya ng Aeon Disk para hindi sya ma-burst down ng kalaban.

Maging ang hard carry ng Hellbear Smashers na Medusa, pinagbabato ni Nisha ng Wild Axes dahilan para maubos ang health at mana nito. Sa isang clash, 18 na ulit nakapagbato si Nisha ng Wild Axes ng wala pang isang minuto.

Pati ang mga shoutcasters na sila Austin Capitalist Walsh at Kyle Freedman ay nagulat sa damage output ni Nisha, nang makapagbitaw ng 8,014 damage ang kanyang Beastmaster sa loob lamang ng isang team fight.

Dota2 Beastmaster patch notes 729
Credit: Valve (Dota 2 patch 7.29)

Na-nerf si Beastmaster sa pinakahuling Dota 2 7.29b patch, nabawasan ang bonus damage ng Aghanim’s Scepter sa kanyang Wild Axes mula +40 pababa sa +30. Ayon sa mga casters, ang maliit na nerf na ito ay hindi sapat para maramdaman.

Tinapos ni Nisha ang game na may 18/0/9 KDA record, at nagpakawala ng 32,900 damage laban sa Hellbear Smashers sa Game 1.

Nanalo ang Team Secret laban sa Hellbear Smashers sa score na 2-1, pumwesto sila sa record na 1-1 sa DreamLeague Season 15 DPC Europe upper division. Ang susunod na match ng Team Secret ay gaganapin sa April 24 laban sa Tundra Esports.