Matapos maghatid ng kasiya-siyang Dota anime series na Dragon’s Blood, patuloy ang partnership ng Valve sa Netflix dahil ito ay maghahandog muli ng isa pang regalo.

Ang bagong documentary ng Valve na ang tawag ay “Free-to-Play” ay maglalahad sa istorya ng pinakaunang The International (TI) tournament noong 2011 pa, at sinundan ng kwento ng mga Dota 2 legends na sina Benedict “hyhy” Lim, Clinton “Fear” Loomis, at Danil “Dendi” Ishutin.

Ipinakita rin ng documentary ang mga unang panahon sa esports, bago pa man naging isang multi-million dollar tourney ang Dota 2.

Screenshot ni Kristine Tuting/ ONE Esports

Ang pelikula ay 1 hour at 15 na minuto, kaya maghanda na kayo ng mga meryenda nyo!

Maaring mapanood ang Free-to-Play sa Neflix simula Monday, April 19. Maari mo rin itong makita sa “Coming Soon” tab ng app nyo o pwede nyo rin pindutin ang “Remind Me” para ma-notify kung kailan ito lalabas.