Nakuha ng Alliance ang top spot sa DreamLeague Season 15 DPC Western Europe Upper Division matapos talunin ang Tundra Esports 2-1 sa Week 5.

Ang team ay nagpakita ng malaking improvement mula nang magsimula ang ikalawang DPS season. Ang Alliance ay may kasalukuyang record na 5-1, na may panalo laban sa Team Liquid, Team nigma, OG, at Team Secret.

Malaking comeback ang nagawa ng Alliance laban sa Tundra Esports sa Week 5.

Dota2 Alliance Defeats Tundra Esports DPC2021 Season2
Credit: Alliance

Nabawi nila ang first place position sa standing sa Week 5 sa pagpigil sa early game pressure ng Tundra Esports at pagdepensa sa kanilang Radiant Base.

Nang makakuha ang Bristleback ni Leon “Nine” Kirilin ng maagang power spike dahil sa bigay na Aghanim’s Scepter ni Neta “33” Shapira, halos makuha na ng Tundra Esports ang top lane ng Alliance 19 minutes into the game.

Ngunit nangibabaw ang pasensya at superior team play ng Alliance nang malapit na silang matalo. Na-zone out ni Gustav “s4” Magnusson ang mga heroes ng Tundra Esports matapos gamitin ni Nine ang Aegis of the Immortal. Ito ang nagbigay sa kanila ng opening para mabawi ang control sa game.

Nang makahabol ang Lifestealer ni Nikolay “Nikobaby” Nikolov sa total gold net worth ng Bristleback ni Nine, nawala na ang team fight advantage ng Tundra Esports.

Ang conventional hero draft din ng Alliance ang nagbigay sa kanila ng edge sa mga team fights laban sa Tundra Esports.

At dahil sa panalong nakuha nila sa Tundra Esports, na-secure ng Alliance ang top-three finish sa DreamLeague Season 15 DPC Western Europe Upper Division.

Ang pagiging coach ni ppd ayon sa mga Alliance members

Dota2 Alliance Trials PPD
Credit: Alliance

Matapos ang panalo, ibinahagi ng midlaner na si Linus “Limmp” Blomdin” kung paano nag-perform ang team mula nang maging coach nito si Peter “ppd” Dager, “It’s good to bring another mind to the table.”

Ayon kay Limmp, tinutulungan sila ni ppd sa kanilang mga in-game calls. Nang tanungin tungkol sa mga LAN events kung saan hindi nila kasama si ppd sa players’ booth, sumagot si Limmp, “We’re just going to have to remember what he did for us.”

Ayon sa blog post ng Alliance, si pp dang magiging strategic coach ng team na mage-evaluate ng kanilang performance at tutulong sa kanilang maghanda para sa mga darating na pagsubok.

“Big shoutout to the team and S4 for believing in me,” sabi ni ppd. “Coaching is something I always wanted to try and I’m grateful for the opportunity.

“It’s cool to bring in Peter in the coaching position since he’s been someone I’ve wanted to play with in the past,” sabi ni s4.

“Ppd is very straightforward and calm, so it’s gonna help us make good calls in-game when the pressure gets high. Captaining and drafting will still be our team’s idea, but ppd will have a huge impact there as well with him being one of the best drafts in Dota 2.”

May isang laba pang natitira ang Alliance sa DreamLeague Season 15 DPC Western Europe Upper Division. Haharapin nila ang Hellbear Smashers sa May 16, 12:00 a.m. GMT+8.

Panoorin ang laban sa official Twitch channel ng DreamLeague.