Sa pag-lawak ng Call of Duty franchise sa mga live-action shorts nito na may celebrities, hindi na dapat ikagulat na ang Season 3 trailer ng Warzone ay nakakalap ng iilan sa pinakamahusay na superstars para saiyong squad.

Explosive ang simula ng trailer, makikita si Young Thug na nagmamaneho ng ATV sa isang high-rise building. Ang Atlanda rapper ay binati ng isang iconic slatt phrase mula sa walang iba kundi si kapwa YSL member niya na si Gunna.

Mas naging katawa-tawa ang trailer matapos makita ang internet comedian na si Druski at rapper Jack Harlow na nag-co-command ng sarili nilang helicopter.

Dahil hindi nila marinig ang isa’t-isa dahil sa ingay ng mga propellers, bumagsak sila sa isa pang helicopter at na-stuck ang kanilang parachutes sa isang bridge, para lamang mapatay ng dating COD pro at 100 Thieves CEO na si Matthew “Nadeshot” Haag.

Iilan pang music artists ang nagpakita sa trailer, gaya ni Icy Girl, rapper na si Saweetie na naglapag ng airstrike, at si Swae Lee na nagpapasikat ng kaniyang killstreak nang walang gamit na scope.

Nagbalik rin ang isang pamilyar na mukha ng isang walang pangalan na cook na maaring maalala ng mga fans sa Black Ops 1 live-action trailer. Pero ngayon, nagpakitang gilas siya sa kaniyang acrobatics habang umiiwas sa RPG at gumanti gamit ang kaniyang trademark akimbo pistols.

Siyempre, hindi kumpleto ang mga COD trailers kung wala ang mga MVP showing galing sa mundo ng sports. Para tapusin ang kaguluhan, nag-bicycle kick ng live na granada si English footballer na si Jack Grealish patungo kay Lakers guard na si Dennis Schröder, pero nailigtas siya ni LA Dodger na si Mookie Betts sa pamamagitan ng isang home-run hit.

Paanorin ang action-packed trailer dito: