Nagkakagulo sa Call of Duty: Warzone matapos ang huling in-game event, ang Destruction of Verdansk, Part 1.

Noong nakaraang ilang oras, na-experience ng mga players ang epilogue playlist na maghahanda para sa ikatlong season ng Warzone at Black Ops Cold War. Sa playlist, pumasok ang mga squad sa mapa ng Verdansk na may iisang layunin: ang mag-survive.

Habang lumiliit ang circle, ang mga player na namatay ay bumabalik bilang mga zombies para makaganti sa mga natitirang participants na buhay pa. Kapag puno na ng infested zonbies ang lobby, may ipinalabas na cutscene, kung saan isang DEFCON nuke ang pinalipad derecho sa Verdansk para mapuksa ang zombie threat.

Pagtapos nito, aasahan ng mga players na magbibigay ang Season 3 ng Cold War at Warzone ng bagong version ng Verdansk kasama ang marami pang gameplay updates.

Sa ngayon, maaari lamang maglaro ang mga players sa Rebirth Island Map, at walang nakakaalam kung ano ang kasalukuyang  sitwasyon sa Verdansk.

Pero nag-tweet ang Call of Duty at sinabing ang mga sabik na fans ay dapat i-update ang kanilang comms (console) ng 9PM PT (tanghali GMT+8, April 22) at bumalik sa Rebirth para sa updated instructions ng 12 hating gabi PT (3PM GMT+8)