Tila naglakbay sa nakaraan ang Call of Duty: Warzone para sa kanilang pangatlong season. Naghatid sila ng nakakapigil-hiningang view ng Verdansk noong 1980s. Ngunit nanatiling parehas ang battle royale mechanics ng laro, nagdala ang Verdansk ‘84 ng mga retro makeovers sa iilan sa mga iconic points of interest sa fictional city na ito.

Ito ang bawat updated location sa Verdansk ‘84 map ng Warzone. 

Superstore 

Credit: Activision

Dahil sa pag-boom ng commercialism sa 80s, ang Superstore ang halatang lokasyon na nangangailangan ng upgrade. 

Habang nakapaskil ang mga larger-than-life shopping signs at mga modern na parking spaces, nabigyan ng Superstore ang mga players ng isang one-stop-shop para makakuha sila ng gear. Pwede mo na ding barilin ang mga kaka-install na skylights para ma-access ang mga napakaraming shelves ng store na ito. Pag tapos ka nang magshopping, pwede ka nang umalis nang mabilisan sa mga bagong windows ng reception area.


Airport 

Credit: Activision

Ang Verdansk Airport naman ay fully operational bilang isang regional travel hub. Dahil walang apoy o mga basura sa lugar na ito, pwedeng tumalon ang mga players galing sa skylights at maghalukay ng mga gamit sa newly accesible na second floor ng airport.

Kapag nakita mo na ang extra exit patungong Runway Underpass, pwede ka nang maggulo sa labas at maghanap ng takip sa dalawang parked planes.

Para sa mas magandang overview ng runway area, pwede ka ring pumunta sa aerospace-themed Control Tower. Bagamat magkakaroon ka ng sightlines sa lugar, natakpan naman ang main building, kaya mas hindi ito kaaya-ayang lugar para maghintay sa kalaban.


Downtown 

Credit: Activision

Ang Downtown na lokasyon sa Verdansk ay nagmukhang isang binubuong bersyon ng cityscape noon. Dahil ito ay may mas kakaunting high-rise buildings at rooftops, mas magkakaroon ng grounded experience ang mga gamers sa bustling district na ito.

Kung ikaw ay willing pumasok sa isang skyscraper na hindi pa tapos tayuin, ang Broadcast building ay mas accessible na ngayon dahil sa kanyang interior stairwell patungo sa top three floors. Kung hindi pa ito mataas para sa’yo, pwede ka naman pumunta sa mas mataas na construction crane as tabi ng building, para mabigyan ka ng magandang sniper’s view ng Downtown.


TV Station 

Ang BCH TV Station ay mayroon na ngayong bagong satellite dish sa bubong, para puwede mo nang talunan at bantayan ang rooftop kasama ang iyong squad habang may eagle-eye view sa Downtown at Stadium.

Isang magarang 80’s interior design din ang disenyo ng TV Station, kaya ito ay magbibigay sa’yo at sa squad mo ng isang warm welcome habang kayo ay nag-lu-loot dito. Kahit na pinagmamalaki nya ang sarili niya bilang isang defensive na lokasyon para sa mga firefights, nagdagdag pa din ang mga developers ng mas maraming bintana sa southern wall para magkaroon ng access ang mga players sa malapit na buy station sa comms tower.


Old Verdansk Stadium 

Credit: Activision

Isa sa mga pinaka-iconic na lokasyon sa Warzone, ang Verdansk Stadium ay isa ng demolition site ngayon. 

Nagtampok ang Verdansk Soccer Area ng mas maraming open landscape kumpara sa modern-day stadium at napanatili nito ang kaniyang reputasyon na isang hot drop na may iba’t-ibang entry points maliban sa langit. Mayroong limang ground-level entrances at isang makeshift entrance sa southern wall dahil sa pagbubuwag ng arena. 

Kung nahuli ka sa drop, ang troop nyo ay maaring magmaneho ng isang truck patungo sa mga entraces at pumunta sa construction huts sa gitna ng field kung saan mayroong loot.

Bagamat mas flat ang arena na ito kumpara sa kanyang modern na counterpart, pwede ka pa ring makakuha ng vertical advantage sa pamamagitan ng pag-land sa ibabaw ng malaking yellow construction crane. Ngunit dapat mag-ingat ka, dahil kitang-kita ng mga grounded snipers.