Nagharap sa ibang klaseng showdown ang celebrity streamers na sina Alita Zunic at Myrtle Sarrosa, isang araw bago sila maglalaban-laban sa ONE Esports Call of Duty: Warzone Showdown.

Sa unang minigame, pinaglaban sa isang laro ng “Would you rather?” ang dalawang streamers habang dinedepensa nila ang kanilang mga desisyon sa Warzone.

Bagamat nagbigay ng mga magagandang sagot ang dalawa, ang sagot ni Myrtle sa tanong kung mas gugustuhin niyang gumamit ng assault rifle o sniper rifle ay isang instant classic:

Sa pangalawang minigame, naglaro ang dalawang streamers ng Compliment Showdown kung saan sila ay magbibigay ng compliments sa bawat isa.

Sabi ni Myrtle na hahanapin niya si Alita sa Warzone para lang makuha ang autograph niya.

Sa pangatlong game naman, bumalik sa old school ang dalawang streamers gamit ang 90’s style wrestling promo kung saan pinakita nila kung bakit sila ang magiging kampeon ngayong Sabado.

Panoorin sina Alita at Myrtle ngayong sabado kung saan maglalaban-laban sila sa ONE Esports Warzone Showdown kasama ang anim na iba pang celebrity streamers para sa isang US$15,000 prize pool.

Panoorin ang aksyon sa aming Twitch, Youtube, o Facebook channels, at siguraduhing naka-bookmark ang aming event site para ika’y mantiling up to date sa lahat ng aksyon sa ONE Esports Call of Duty: Warzone Showdown.