Magdadagdag ng star power ang Activision sa COD franchise sa pamamagitan ng pag-collaborate nila sa isa sa mga pinakamalaking action film icons of all time, si John Rambo.

Mga beses na nagparinig ang Activision ng isang Call of Duty collaboration

Bagamat wala pa masyadong binbunyag as guest appearance na ito, naglapag ang mga game developers ng mga video teasers para sa Warzone at Mobile.

Sa teaser, makikita natin ang beteranong sundalo na nakikipaglaban sa mga kalaban gamit ang kaniyang signature bow at umaapoy na arrows.

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Dagdag pa niyan, noong nakaraang linggo lang, nag-post ang official COD Twitter account tungkol sa kaniya sa isang Warzone Report sa “SurvivorJohn#1009062.” Pinakita rin ng report na naglalaro ang 80s icon ng limang Warzone games sa loob ng pitong oras, isang pagtukoy sa kaniyang limang pelikula.

Maliban diyan, mayroon rin siyang infinite K/D ratio, kaya siya ay isang hindi katanggi-tangging superstar sa kahit anong Warzone game.

Credit: Call of Duty Twitter

Maraming fans ang nagaabang sa isang Call of Duty Rambo operator skin. Dahil siya ay mayroong mga signature weapons sa mga pelikula niya, umaasa kami na magkakaroon ng Rambo-inspired weapon blueprints at accessories para magamit sa aming loadout. 

Bakit mayroong Call of Duty Rambo crossover? 

Bagamat ang guest appearance na ito ay mukhang nakakagulat, tugma ang 80s action icon sa bagong 80s-inspired map ng Verdansk sa Warzone.

Para sa mga hindi nakakaalam, si John Rambo ang pinakaunang gumagamit na baril na bida sa Rambo film franchise na nag-umpisa sa “First Blood” noong 1982. 

Sino ang kasama ni Rambo sa Verdansk ‘84? 

Nagdagdag rin ng mga hints ang Call of Duty kung sino ang susunod na 80s action icon na lalabas sa isang mautak na tweet.

Credit: Call of Duty Twitter

Bagamat mukha itong simpleng advertisement para sa duct cleaning, ang post na ito ay isang reference sa 1998 action film na “Die Hard.”

Sa pelikulang ito, ang bida na si John McClane ay mayroong iconic air duct na eksena matapos matakasan ang mga kalaban sa Nakatomi Plaza. Coincidence? Sa tingin namin, hindi.

Lalabas si Call of Duty Rambo sa Warzone, Black Ops: Cold War, at Mobile sa May 20.