Mga fans ng Call of Duty, ihanda niyo na ang mga kalendaryo ninyo para sa May 15, dahil magkakaroon ng isang action-packed na gabi para sa Warzone!

Inihahatid sa inyo ng ONE Esports at Activision Blizzard, walong celebrity streamers ang maglalaban-laban para sa US$15,000 prize pool sa ONE Esports Call of Duty: Warzone Showdown.

Ang walong streamers ay sina: 

Pipili ang mga streamers ng dalawang fans para samahan sila sa kanilang three-man team.

Magbabakbakan ang mga teams sa isang serye ng matches, at ang layunin ay makakuha sila ng pinakamaraming kills. Lahat ng teams ay mabibigyan ng limited na oras para maglaro sa mga public lobbies para maka-score ng points.

Ang isang kill ay katumbas ng 1 point at ang winning team ay makakatanggap ng extra 5 points. Ang team na may pinakamaraming points ang susulong sa next round ng single elimination bracket.

Schedule 

Magsisimula ang lahat ng aksyon sa May 15 simula 8 p.m. (GMT +8) 

  • Quarterfinals Match A: 8.15 p.m. – 8.40 p.m.  
  • Quarterfinals Match B: 8.40 p.m. – 9.05 p.m.  
  • Quarterfinals Match C: 9.05 p.m. – 9.30 p.m. 
  • Quarterfinals Match D: 9.30 p.m. – 9.55 p.m.  
  • Semifinals Match A: 9.55 p.m. – 10.20 p.m. 
  • Semifinals Match B: 10.20 p.m. – 10.45 p.m.  
  • Grand Finals: 10.45 p.m. – 11.10 p.m. 

Panoorin ang labanan sa aming TwitchYouTube, o Facebook channels. 

Siguraduhing naka-bookmark ang aming event site sa inyong mga devices para kayo ay manatiling up to date sa lahat ng aksyon para sa ONE Esports Call of Duty: Warzone Showdown.