Si Wolf ay isang beteranong shoutcaster mula sa Pilipinas. Ang kaniyang unang pagpasok sa Esports ay dahil sa kaniyang pagsusulat ng mga Esports news at features, pati na rin sa production ng shows na ukol sa Philippine Esports. Mula sa pagiging writer, shoutcaster, analyst, at coach, pinatunayan ni Wolf na isa na siya sa mga beterano sa larangan ng Philippine Esports.